ANG ANGKOP NA PARAAN NG PANANALANGIN
1. Tanong: Kanino tayo dapat manalangin?
Sagot: Tayo ay dapat manalangin sa Dios Ama sa pangalan ng Panginoong Jesucristo.
(II Corinto 13:7, ADB1905) Ngayoy idinadalangin namin sa Dios na kayoy huwag magsigawa ng masama; hindi upang kamiy mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may karangalan, kahit kamiy maging gaya ng itinakuwil.
(Filipos 4:6, ADB1905) Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
(Juan 14:13-14, ADB1905) At anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. (Juan 14:14) Kung kayoy magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
(Juan 15:16, ADB1905) Akoy hindi ninyo hinirang, ngunit kayoy hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayoy magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.
(Juan 16:23, ADB1905) At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayoy hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.
2. Tanong: Paano tayo mananalangin?
Sagot: Ang tamang paraan pananalangin ay ang mga sumusunod:
2.1 Manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim o hindi nakikita.
(Mateo 6:6, ADB1905) Datapuwat ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.
2.2 Manalangin nang nanggagaling sa iyong puso.
(Mateo 6:7-8, ADB1905) At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagkat iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila. (Mateo 6:8) Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagkat talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.
(Mateo 7:7-8, ADB1905) Magsihingi kayo, at kayoy bibigyan; magsihanap kayo, at kayoy mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayoy bubuksan: (Mateo 7:8) Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
2.3 Manalanging may pananampalataya na ito ay ipagkakaloob at walang pagaalinlangan.
(Mateo 21:22, ADB1905) At lahat ng mga bagay na inyong hihingin sa panalangin, na may pananampalataya, ay inyong tatanggapin.
(Marcos 11:24, ADB1905) Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.
(Santiago 1:6, ADB1905) Ngunit humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagkat yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.
2.4 Manalanging may diwa ng pagpapatawad. Sapagkat paanong patatawarin ka ng Panginoon sa iyong kasalanan kung ikaw ay hindi nagpapatawad ng kasalanan ng iyong kapwa?
(Mateo 6:12, ADB1905) At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
(Marcos 11:25, ADB1905) At kailan man kayoy nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.
3. Tanong: Ano ang gabay na ibinigay ng Panginoong Jesucristo tungkol sa pananalangin?
Sagot: Ang Panginoong Jesucristo ay nagbigay ng gabay ukol sa pananalangin sa Dios, katulad ng sumusunod:
(Mateo 6:9-13, ADB1905) Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. (Mateo 6:10) Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. (Mateo 6:11) Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. (Mateo 6:12) At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. (Mateo 6:13) At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
4. Tanong: Lahat ba ng panalangin o hinihiling ng tao sa Dios ay dinirinig?
Sagot: Hindi lahat ng panalangin o hinihingi ng tao ay dinirinig ng Dios.
(Santiago 4:3, ADB1905) Kayoy nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong kalayawan.
Buod:
Manalangin tayo sa Dios Ama (II Corinto 13:7; Filipos 4:6) at ibibigay Niya sa iyo ang anumang hiniling mo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo (Juan 14:13-14; 15:16; 16:23).
Tayo ay dapat manalangin sa Dios Ama na nasa lihim o hindi nakikita (Mateo 6:6). Magagawa natin ito kung ipipikit natin ang ating mga mata habang nagdarasal sa Dios Ama na hindi nakikita. Manalangin ng nanggagaling sa ating puso (Mateo 6:7-8; 7:7-8), may pananampalataya na ito'y ipagkakaloob at walang pag-aalinlangan (Mateo 21:22; Marcos 11:24; Santiago 1:6), at may diwa ng pagpapatawad sa nagkasala sa atin (Mateo 6:12; Marcos 11:25). Sapagkat paanong patatawarin tayo ng Dios sa ating kasalanan kung tayo ay hindi nagpapatawad ng kasalanan ng ating kapwa?
Ang Panginoong Jesucristo ay nagbigay sa atin ng gabay ukol sa pananalangin sa Dios (Mateo 6:9-13). Dapat tandaan na hindi dinidinig ng Dios ang lahat ng panalangin o hinihingi ng tao kung ito ay ukol sa kalayawan (Santiago 4:3).
Bilang panghuli, manalangin tayo at huwag sumuko, ito ang angkop na paraan ng pananalangin sa Dios. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan.
Litrato ay kuha ni Himsan galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).