ANG DIOS AMA AT ANG ANAK NG DIOS AY DALAWANG MAY BUKOD NA KALAGAYAN
TALAHANAYAN NG NILALAMAN:
1. May nalalaman ang Dios Ama na hindi alam ng kanyang Anak na si Jesucristo.
2. Si Cristo ay nakipagusap at nanalangin sa Amang Dios na iba at nakatataas sa kanya.
3. Ang pangulo ni Cristo ay Dios.
4. Ayon sa pahayag ng Dios Ama, siya ang Dios ng kanyang Anak.
6. Ang Panginoong Jesucristo ay itinaas sa kanan ng Dios.
8. Isinugo ng Dios Ama si Cristo sa lupa
10. Dalawa ang gumagawa ng paghatol, ang Ama at ang Anak.
11. Nararapat sampalatayanan kapwa ang Ama at ang Anak.
13. Binuhay ng Amang Dios ang Panginoong Jesucristo sa mga patay.
16. Si Jesucristo ay tumanggap ng karangalan at kaluwalhatian sa Dios Ama.
17. Dapat makisama kapwa sa Ama at kanyang Anak.
19. Ang lahat ng nananahan sa aral ng Dios ay kinaroroonan kapwa ng Ama at ng Anak.
21. Si Cristo ang nag-iisang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao.
Tanong: Ano ang mga patunay na ang Dios Ama at ang Anak ng Dios ay may bukod na kalagayan?
Sagot: Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga patunay na ang Dios Ama at ang Anak ng Dios ay may bukod na kalagayan:
1. May nalalaman ang Dios Ama na hindi alam ng kanyang Anak na si Jesucristo.
(Mateo 24:36, ADB1905 / Marcos 13:32) Ngunit tungkol sa araw at oras na yaon ay walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
2. Si Cristo ay nakipagusap at nanalangin sa Amang Dios na iba at nakatataas sa kanya.
(Mateo 26:39, ADB1905) At lumakad siya {Cristo} sa dako pa roon, at siyay nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon may huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
(Marcos 14:35-36, ADB1905) At lumakad siya {Cristo} sa dako pa roon, at nagpatirapa sa lupa, at idinalangin na, kung mangyayari, ay makalampas sa kaniya ang oras. (Marcos 14:36) At kaniyang sinabi, Abba, Ama, may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon may hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
(Lucas 22:41-42, ADB1905) At siyay humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siyay nanikluhod at nanalangin, (Lucas 22:42) Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon may huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo.
(Mateo 27:46, ADB1905 / Marcos 15:34) At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? Sa makatuwid bagay Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan?
(Lucas 23:34, ADB1905) At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.
(Lucas 23:46, ADB1905) At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.
(Juan 14:28, ADB1905) Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
(Juan Kapitulo 17:1-26, ADB1905)
(Juan 17:1) Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: (Juan 17:2) Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. (Juan 17:3) At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid bagay si Jesucristo. (Juan 17:4) Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin. (Juan 17:5) At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon. (Juan 17:6) Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: silay iyo, at silay ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita. (Juan 17:7) Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo: (Juan 17:8) Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin. (Juan 17:9) Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagkat silay iyo: (Juan 17:10) At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at akoy lumuluwalhati sa kanila. (Juan 17:11) At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at akoy paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang silay maging isa, na gaya naman natin. (Juan 17:12) Samantalang akoy sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at silay binantayan ko, at isa man sa kanilay walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan. (Juan 17:13) Ngunit ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang silay mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin. (Juan 17:14) Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagkat hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. (Juan 17:15) Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama.(Juan 17:16) Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.(Juan 17:17) Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita moy katotohanan. (Juan 17:18) Kung paanong akoy iyong sinugo sa sanglibutan, silay gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. (Juan 17:19) At dahil sa kanilay pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan. (Juan 17:20) Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; (Juan 17:21) Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at akoy sa iyo, na sila namay suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na akoy sinugo mo. (Juan 17:22) At ang kaluwalhatiang sa akiy ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang silay maging isa, na gaya naman natin na iisa; (Juan 17:23) Akoy sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang silay malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at silay iyong inibig, na gaya ko na inibig mo. (Juan 17:24) Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagkat akoy iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. (Juan 17:25) Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, ngunit nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin; (Juan 17:26) At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at akoy sa kanila.
Paliwanag: Si Cristo ay nakipagusap at nagdasal sa kanyang Amang Dios na iba at nakatataas sa kanya.
(Efeso 4:6, ADB1905) Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
3. Ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.
(I Corinto 11:3, ADB1905) "Datapuwat ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawat lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios."
4. Ayon sa pahayag ng Dios Ama, siya ang Dios ng kanyang Anak.
(Awit 45:7, ADB1905) Iyong {Cristo} iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kayat ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama.
(Hebreo 1:9, ADB1905) Inibig mo {Cristo} ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; kayat ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa iyo, ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.
5. Mayroong dako na pinaroonan si Cristo pagkatapos ng kanyang pagkabuhay, sa dako na kinaroroonan ng kanyang Dios at Ama. Samakatuwid, si Cristo at ang kanyang Dios at Ama ay nasa magkaibang dako.
(Juan 20:17, ADB1905) "Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, aking Dios at inyong Dios."
6. Ang Panginoong Jesucristo ay itinaas sa kanan ng Dios.
6.1 Sinalita ng Panginoong Jesucristo na siya ay luluklok sa kanan ng Dios.
(Mateo 26:64, ADB1905) At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon may sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
(Marcos 14:62, ADB1905) At sinabi ni Jesus, Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan, at pumaparito na nasa mga alapaap ng langit.
(Lucas 22:69, ADB1905) Datapuwat magmula ngayon ang Anak ng tao ay mauupo sa kanan ng kapangyarihan ng Dios.
6.2 Ang mga apostol ni Jesucristo ay nagpatunay na siya ay itinaas sa kanan ng Dios.
(Marcos 16:19, ADB1905) Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na silay mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit at lumuklok sa kanan ng Dios.
(Gawa 2:32-33, ADB1905) Ang Jesus na itoy binuhay na maguli ng Dios, at tungkol ditoy mga saksi kaming lahat. (Gawa 2:33) Palibhasa ngay pinarangal ng kanang kamay ng Dios, at tinanggap na sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
(Gawa 5:30-31, ADB1905) Ibinangon ng Dios ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy. (Gawa 5:31) Siyay pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan.
(Gawa 7:55, ADB1905) Datapuwat siya, palibhasay puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios,
(Roma 8:34, ADB1905) Sino ang hahatol? Si Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin.
(Efeso 1:20, ADB1905) Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang itoy kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,
(Colosas 3:1, ADB1905) Kung kayo ngay muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
(Hebreo 1:3, ADB1905) Palibhasay siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
(Hebreo 10:12, ADB1905) Ngunit siya {Cristo}, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;
(Hebreo 12:2, ADB1905) Namasdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.
(I Pedro 3:22, ADB1905) Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya {Cristo} sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.
6.3 Iniutos ng Panginoon Dios (ang Ama) sa kanyang Anak na umupo sa kanyang kanan.
(Awit 110:1, ADB1905) Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
(Mateo 22:44, ADB1905) Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway sa ilalim ng iyong mga paa?
(Marcos 12:36, ADB1905) Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.
(Lucas 20:42-43, ADB1905) Sapagkat si David din ang nagsasabi sa aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon; Maupo ka sa aking kanan, (Lucas 20:43) Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tuntungan ng iyong mga paa.
(Hebreo 1:13, ADB1905) Ngunit kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
Paliwanag: Ang mga talatang nabanggit ay nagpapatunay na may nakaluklok sa trono, ang Amang Dios, at mayroong nasa kanyang kanan, ang Panginoong Jesucristo.
7. Nang mabautismuhan si Jesus, nagsalita ang kanyang Amang nasa langit nang patungkol sa kaniya, bagay na hindi na sana niya ginawa kung ang Ama ay siya na rin ang Anak.
(Mateo 3:16-17, ADB1905) At nang mabautismuhan si Jesus, pagdakay umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; (Mateo 3:17) At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
(Marcos 1:9-11, ADB1905) At nangyari nang mga araw na yaon, na nanggaling si Jesus sa Nazaret ng Galilea, at siyay binautismuhan ni Juan sa Jordan. (Marcos 1:10) At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya: (Marcos 1:11) At may isang tinig na nagmula sa mga langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.
(Lukas 3:21-22, ADB1905) Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit, (Lucas 3:22) At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.
8. Isinugo ng Dios Ama si Cristo sa lupa
8.1 Si Cristo ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kanyang sariling kalooban kundi ang kalooban ng kanyang Ama na nagsugo sa kanya.
(Juan 4:34, ADB1905) Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.
(Juan 6:38, ADB1905) Sapagkat bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
(Hebreo 10:7, 9, ADB1905) Nang magkagayoy sinabi ko, Narito, akoy pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban. (Hebreo 10:9) Saka sinabi niya, Narito, akoy pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. {Awit 40:6-8}*
8.2 Sinabi ni Cristo na ang kanyang mga turo ay hindi kaniya kundi sa kanyang Ama na nagsugo sa kanya.
(Juan 7:16, ADB1905) Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.
(Juan 8:28, ADB1905) Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.
(Juan 12:49, ADB1905) Sapagkat akoy hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
(Juan 14:24, ADB1905) Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
(Juan 17:8, ADB1905) Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
8.3 Si Cristo ay naparito sa sanlibutang ito hindi sa kaniyang sarili kundi sa kagustuhan ng kanyang Ama.
(Juan 7:28-29, ADB1905) Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Akoy inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwat ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala. (Juan 7:29) Siyay {ang Ama} nakikilala ko; sapagkat akoy {Cristo} mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin.
(Juan 8:42, ADB1905) Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagkat akoy nagmula at nanggaling sa Dios; sapagkat hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.
*Kaugnay na Talata: Awit 40:6 -8, ADB1905 - …Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso
8.4 Sa maraming pagkakataon ay sinabi ni Cristo na kanyang Ama ang nagsugo sa kanya.
(Juan 5:23-24, 36, ADB1905) Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniyay nagsugo. (Juan 5:24) Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. (Juan 5:36) Datapuwat ang aking pagpapatotoo ay lalong dakila kay sa kay Juan; sapagkat ang mga gawang ibinigay sa akin ng aking Ama upang ganapin, ang gayon ding mga gawa na aking ginagawa, ay nagpapatotoo tungkol sa akin, na akoy sinugo ng Ama.
(Juan 6:39, 57, ADB1905) At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw. (Juan 6:57) Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at akoy nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya namay mabubuhay dahil sa akin.
(Juan 7:33, ADB1905) Sinabi nga ni Jesus, Makikisama pa ako sa inyong sangdaling panahon, at akoy paroroon sa nagsugo sa akin.
(Juan 8:26, ADB1905) Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniyay aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
(Juan 11:42, ADB1905) At nalalaman ko na akoy lagi mong dinirinig: ngunit itoy sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang silay magsisampalataya na ikaw {ang Ama} ang nagsugo sa akin.
(Juan 12:44, ADB1905) At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi {lamang} sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
(Juan 13:20) Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.
(Juan 16:5, ADB1905) Datapuwat ngayong akoy paroroon sa nagsugo sa akin; at sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?
(Juan 17:8, 18, 25, ADB1905) Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw {ang Ama} ang nagsugo sa akin. (Juan 17:18) Kung paanong akoy iyong sinugo sa sanglibutan, silay gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. (Juan 17:25) Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, ngunit nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw {ang Ama} ang nagsugo sa akin;
(I Juan 4:9-10, 14, ADB1905) Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagkat sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayoy mabuhay sa pamamagitan niya. (I Juan 4:10) Narito ang pagibig, hindi sa tayoy umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan. (I Juan 4:14) At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan.
9. Kung papaano na ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.
(Juan 5:26, ADB1905) Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili:
10. Dalawa ang gumagawa ng paghatol, ang Ama at ang Anak.
(Juan 8:16, ADB1905) Oo, at kung akoy humahatol, ang hatol koy totoo; sapagkat hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin.
11. Nararapat sampalatayanan kapwa ang Ama at ang Anak.
(Juan 12:44, ADB1905) At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi {lamang} sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
(Juan 14:1, ADB1905) Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
12. Upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, dalawa ang dapat nating makilala, ang iisang Dios, ang makapangyarihan sa lahat, at ang kanyang isinugo, ang Anak.
(Juan 17:3, ADB1905) At ito and buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid bagay si Jesucristo.
13. Binuhay ng Amang Dios ang Panginoong Jesucristo sa mga patay.
(Gawa 2:24, ADB1905) Na siyay binuhay ng maguli ng Dios, pagkaalis sa mga hirap ng kamatayan: sapagkat hindi maaari na siyay mapigilan nito.
(Gawa 2:32, ADB1905) Si Jesus na itoy binuhay na maguli ng Dios, at tungkol ditoy mga saksi kaming lahat.
(Gawa 3:15, ADB1905) At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito.
(Gawa 10:40, ADB1905) Siyay {Cristo} muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siyay itinalagang mahayag.
(Gawa 13:30, ADB1905) Datapuwat siyay binuhay na maguli ng Dios sa mga patay:
(I Corinto 15:15, ADB1905) Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagkat aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.
(Galacia 1:1, ADB1905) Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniyay muling bumuhay;)
(Efeso 1:20, ADB1905) Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang itoy kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan.
Paliwanag: Ang patay ay hindi maaaring buhayin ang kanyang sarili sa mga patay.
14. Ibibigay ni Cristo sa Amang Dios ang kaharian, pagkatapos ang Anak rin ay pasusukuin naman sa kanya upang ang Dios ay maghari sa lahat.
(I Corinto 15:24-28, ADB1905) Kung magkagayoy darating ang wakas, pagka ibibigay na niya {Cristo} ang kaharian sa Dios, sa makatuwid bagay sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. (I Corinto 15:25) Sapagkat kinakailangang siyay maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. (I Corinto 15:26) Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. (I Corinto 15:27) Sapagkat kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. {Awit 8:6}* Datapuwat kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
(I Corinto 15:28, ADB1905) At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayoy ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
Paliwanag: Nararapat pansinin na mayroong magbibigay ng kaharian (ang Anak) at mayroong tatanggap nito (ang Ama). At pagkatapos nito, si Cristo ay pasusukuin duon sa Ama na nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kanya upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.
*Kaugnay na Talata: Awit 8:6, ADB1905 - Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:
15. May malaking mga pagkakaiba ang Dios Ama at ang Anak ng Dios ukol sa kanilang banal na pangalan, pagkakilala, kalikasan at mga katangian.
15.1 Tungkol sa banal na pangalan, pagkakilala, kalikasan at mga katangian ng Dios (ang Ama):
15.1.1 Ang banal na pangalang 'Dios Ama' na siyang ibig ipakahulugan, na hindi kailanman ikinapit sa Anak ng Dios, ay matatagpuan sa mga sumusunod na mga taludtod:
(Juan 6:27, ADB1905) Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagkat siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid bagay ang Dios.
(I Corinto 15:24, ADB1905) Kung magkagayoy darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid bagay sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.
(Galacia 1:1, ADB1905) Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniyay muling bumuhay;)
(Efeso 5:20, ADB1905) Na kayoy laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama;
(Efeso 6:23, ADB1905) Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
(Filipos 2:11, ADB1905) At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
(I Tesalonica 1:1, ADB1905) Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
(II Tesalonica 1:2, ADB1905) Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
(I Timoteo 1:2, ADB1905) Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
(II Timoteo 1:2, ADB1905) Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
(Tito 1:4, ADB1905) Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
(I Pedro 1:2, ADB1905) Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyoy sumagana.
(II Pedro 1:17, ADB1905) Sapagkat siyay tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
(II Juan 3, ADB1905) Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
(Judas 1, ADB1905) Si Judas, na alipin ni Jesucristo, at kapatid ni Santiago, sa mga tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at iniingatang para kay Jesucristo:
15.1.2 Ang pagkakilala sa Dios (ang Ama) na siya ay Panginoon/Dios na Makapangyariahan sa lahat
(Genesis 17:1, ADB1905) At nang si Abram ay may siyam na put siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniyay nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.
(Genesis 28:3, ADB1905) At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan;
(Genesis 35:11, ADB1905) At sinabi sa kaniya ng Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;
(Genesis 43:14, ADB1905) At pagkalooban nawa kayo ng Dios na Makapangyarihan sa lahat ng kaawaan sa harap ng lalaking yaon, upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid at si Benjamin. At kung mawalan ako ng mga anak, ay mawalan ako.
(Genesis 48:3, ADB1905) At sinabi ni Jacob kay Jose, Ang Dios na Makapangyarihan sa lahat ay napakita sa akin sa Luz sa lupain ng Canaan, at binasbasan ako.
(Exodo 6:3, ADB1905) At akoy napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; ngunit sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.
(Ezekiel 10:5, ADB1905) At ang pagaspas ng mga pakpak ng mga kerubin ay narinig hanggang sa looban sa labas, na gaya ng tinig ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, pagka siyay nagsasalita.
(Apocalipsis 4:8, ADB1905) At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawat isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at silay walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi, Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.
(Apocalipsis 11:17, ADB1905) Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagkat hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
(Apocalipsis 15:3, ADB1905) At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
(Apocalipsis 16:7, ADB1905) At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.
(Apocalipsis 16:14, ADB1905) Sapagkat silay mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.
(Apocalipsis 19:6, ADB1905) At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagkat naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
(Apocalipsis 19:15, ADB1905) At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nitoy sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat.
(Apocalipsis 21:22, ADB1905) At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagkat ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.
15.1.3 Ang pangunahing kalikasan ng Dios (ang Ama) na Panginoon/Dios mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan
(I Cronica 16:36, ADB1905) Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.
(I Cronica 29:10, ADB1905) Kayat pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man.
(Nehemias 9:5, ADB1905) Nang magkagayoy ang mga Levita; si Jesua at si Cadmiel, si Bani, at si Hosabnias, si Serebias, si Odaias, si Sebanias, at si Pethaia, ay nagsipagsabi, Kayoy magsitayo at magsipuri sa Panginoon ninyong Dios na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan: at purihin ang iyong maluwalhating pangalan, na nataas ng higit sa lahat ng pagpapala at pagpuri.
(Isaias 40:28, ADB1905) Hindi mo baga naalaman? hindi mo baga narinig? ang walang hanggang Dios, ang Panginoon, ang Maylalang ng mga wakas ng lupa, hindi nanlalata, o napapagod man; walang makatarok ng kaniyang unawa.
(Awit 41:13, ADB1905) Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan. Siya nawa, at Siya nawa.
(Awit 90:2, ADB1905) Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
(Awit 93:2, ADB1905) Ang luklukan moy natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula.
(Awit 106:48, ADB1905) Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.
15.1.4 Ang pagkakilala sa Dios (ang Ama) bilang Dios ng mga dios, Panginoon/Dios na Kataastaasan, Dios/Hari na walang hanggan, hindi namamatay at hindi nakikita ng tao.
Bilang Dios ng mga dios
(Deuteronomio 10:17, ADB1905) Sapagkat ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.
(Awit 136:2, ADB1905) Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios: sapagkat ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(Daniel 11:36, ADB1905) At ang hari ay gagawa ng ayon sa kaniyang kalooban; at siyay magmamalaki, at magpapakataas ng higit kay sa bawat dios, at magsasalita ng mga kagilagilalas na bagay laban sa Dios ng mga dios; at siyay giginhawa hanggang sa ang galit ay maganap; sapagkat ang ipinasiya ay gagawin.
Bilang Panginoon/Dios na Kataastaasan
(Genesis 14:18-20, 22, ADB1905) At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siyay saserdote ng Kataastaasang Dios (Genesis 14:19) At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa: (Genesis 14:20) At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
(Genesis 14:22, ADB1905) At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.
(Awit 7:17, ADB1905) Akoy magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran: at aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
(Awit 47:2, ADB1905) Sapagkat ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siyay dakilang Hari sa buong lupa.
(Awit 57:2, ADB1905) Akoy dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na mga bagay sa akin.
(Awit 78:35, ADB1905) At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos.
(Hebreo 7:1, ADB1905) Sapagkat itong si Melquisedec, hari sa Salem, saserdote ng Kataastaasang Dios, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siyay pinagpala niya,
Bilang Dios/Hari na walang hanggan, hindi namamatay at hindi nakikita ng tao
(Genesis 21:33, ADB1905) At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan.
(Deuteronomio 33:27, ADB1905) Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan, At sa ibabay ang walang hanggang mga bisig: At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway, At sinabi, Lansagin mo.
(Roma 16:26, ADB1905) Datapuwat nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:
(Jeremias 10:10, ADB1905) Ngunit ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari: sa kaniyang poot ay nayayanig ang lupa, at hindi matatagalan ng mga bansa ang kaniyang galit.
(I Timoteo 1:17, ADB1905) Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
(I Timoteo 6:16, ADB1905) Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.
(Roma 1:23, ADB1905) At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
(Juan 1:18, ADB1905) Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
(Juan 6:46, ADB1905) Hindi sa ang sinomay nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.
15.2 Tungkol sa banal na pangalan, pagkakilala, kalikasan at mga katangian ng 'Anak ng Dios'
15.2.1 Ang banal na pangalang 'Anak ng Dios' na siyang ibig ipakahulugan, na hindi kailanman ikinapit sa Dios Ama, ay matatagpuan sa mga sumusunod na mga taludtod:
(Mateo 14:33, ADB1905) At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
(Mateo 26:63-64, ADB1905) Datapuwat hindi umimik si Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, Kitay pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios. (Mateo 26:64) At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon may sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
(Lucas 1:35, ADB1905) At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
(Lucas 22:70, ADB1905) At sinabi nilang lahat, Kung gayoy ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya {Cristo} sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga.
(Juan 1:34, ADB1905) At aking nakita, at pinatotohanan kong ito {ang Cristo} ang Anak ng Dios.
(Juan 1:49-50, ADB1905) Sumagot si Natanael sa kaniya, Rabi, ikaw ang Anak ng Dios; ikaw ang Hari ng Israel. (Juan 1:50) Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Dahil baga sa sinabi ko sa iyo, Kitay nakita sa ilalim ng puno ng igos, kaya ka sumasampalataya? makikita mo ang mga bagay na lalong dakila kay sa rito.
(Juan 11:27, ADB1905) Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid bagay ang naparirito sa sanglibutan.
(Juan 20:31, ADB1905) Ngunit ang mga ito ay nangasulat, upang kayoy magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.
(Gawa 8:37, ADB1905) At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Dios.
(Gawa 9:20, ADB1905) At pagdakay kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.
(Roma 1:3-4, ADB1905) Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman, (Roma 1:4) Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng {mula sa} mga patay, sa makatuwid bagay si Jesucristo na Panginoon natin,
(II Corinto 1:19, ADB1905) Sapagkat ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si Silvano at si Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo.
(Galacia 2:20, ADB1905) Akoy napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na itoy sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
(Efeso 4:13, ADB1905) Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:
(Hebreo 4:14, ADB1905) Yaman ngang tayoy mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.
(Hebreo 6:6, ADB1905) At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
(I Juan 4:15, ADB1905) Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siyay sa Dios.
(I Juan 5:5, ADB1905) At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?
15.2.2 Ang 'Anak ng Dios' ay may pasimula, ang larawan ng Dios na hindi nakikita, panganay sa mga nilalang at naging Anak ng Dios Ama.
(Juan 1:1, ADB1905) Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
(Colosas 1:15, ADB1905) Na siya {Cristo} ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
(I Cronica 17:13, ADB1905) Akoy magiging kaniyang ama, at siyay magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo:
(Awit 2:7, ADB1905) Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.
(Hebreo 1:5, ADB1905) Sapagkat kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Akoy magiging kaniyang Ama, At siyay magiging aking Anak?
(Hebreo 5:5, ADB1905) Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:
15.2.3 Ang Anak ng Dios ay nagkatawang tao
(Juan 1:14, ADB1905) At nagkatawang-tao ang Verbo {ang pangalang ibinigay kay Cristo-Apocalipsis 19:13}*, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
(I Juan 4:2, ADB1905) Ditoy nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawat espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios:
(II Juan 7, ADB1905) Sapagkat maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
15.2.4 Ang Anak ng Dios ay namatay.
(Mateo 27:50, ADB1905) At muling sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, at nalagot ang kaniyang hininga.
(Marcos 15:37, ADB1905) At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga.
(Lucas 23:46, ADB1905) At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.
(Juan 19:33, ADB1905) Ngunit nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siyay patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:
*Kaugnay na Talata: Apocalipsis 19:13, ADB1905 - . . . at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
16. Si Jesucristo ay tumanggap ng karangalan at kaluwalhatian sa Dios Ama.
(Mateo 3:17, ADB1905) At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
(Mateo 17:5, ADB1905) Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.
(Marcos 9:7, ADB1905) At dumating ang isang alapaap na sa kanilay lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
(Lucas 9:35, ADB1905) At may tinig na nanggaling sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang aking Anak, ang aking hirang: siya ang inyong pakinggan.
(II Pedro 1:17, ADB1905) Sapagkat siyay {Cristo} tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
17. Dapat makisama kapwa sa Ama at kanyang Anak.
(I Juan 1:3, ADB1905) Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang anak na si Jesucristo:
18. Mayroong dalawang mapagkukunan ng biyaya, kaawaan at kapayapaan, una sa Ama at pangalawa, sa kaniyang Anak. Ito ay ayon sa pagbati ng mga apostol sa mga iglesia.
(Efeso 6:23, ADB1905) Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
(I Tesalonica 1:1, ADB1905) Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
(II Tesalonia 1:2, ADB1905) Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.
(I Timoteo 1:2, ADB1905) Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
(II Timoteo 1:2, ADB1905) Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
(Tito 1:4, ADB1905) Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin
(Filemon 3, ADB1905) Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
(II Juan 3, ADB1905) Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
19. Ang lahat ng nananahan sa aral ng Dios ay kinaroroonan kapwa ng Ama at ng Anak.
(II Juan 9, ADB1905) Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.
20. Ang mga banal na makakalakip sa unang pagkabuhay ng mag-uli ay magiging saserdote kapwa ng Dios (ang Ama) at ni Cristo.
(Apocalipsis 20:6, ADB1905) Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga itoy walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan: kundi silay magiging saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
21. Si Cristo ang nag-iisang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao.
(I Timoteo 2:5, ADB1905) Sapagkat may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,
(Hebreo 9:15, ADB1905) At dahil ditoy siya {Cristo} ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.
(Hebreo 12:24, ADB1905) At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan, at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel.
(I Juan 2:1, ADB1905) Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayoy huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:
Paliwanag: Kung ang Anak ng Dios ay siya na rin ang Dios Ama, ang Anak ay hindi na sana naging Tagapamagitan sa Dios at mga tao.
Buod:
May nalalaman ang Amang Dios na hindi nalalaman ng kanyang Anak na si Jesucristo. Ang Ama lamang ang nakakaalam ng araw at oras ng muling pagparito ng kaniyang Anak (Mateo 24:36 / Marcos 13:32). Kung ang Dios Ama ay siya na rin ang Anak, ang ibig sabihin ay lahat ng nalalaman ng Ama ay nalalaman din ng Anak, ngunit hindi gayon.
Si Cristo ay nakipagusap at nagdasal sa kanyang Ama na iba at nakatataas sa kanya (Mateo 26:39; Marcos 14:35-36; Lucas 22:41-42; Mateo 27:46 / Marcos 15:34; Lucas 23:34, 46; Juan 17:126). Kung ang Dios Ama ay siya na rin ang Anak ng Dios (Cristo), hindi na sana nakipagusap at nanalangin si Cristo sa Dios, na kanyang Ama.
Ayon sa sulat ni apostol Pablo, ang pangulo ni Cristo ay ang Dios (I Corinto 11:3) na kanya ring Dios (Awit 45:7; Hebreo 1:9).
Pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoon Jesucristo, pumaroon siya sa kinaroroonan ng kanyang Ama at kanyang Dios. Batay dito, si Cristo at ang Dios Ama ay nasa magkaibang dako (Juan 20:17), at itinaas ng Dios Ama sa kanyang kanang kamay (Mateo 26:64; Marcos 14:62; Lucas 22:69; Marcos 16:19; Gawa 2:32-33; 5:30-31; 7:55; Roma 8:34; Efesos 1:20; Colosas 3:1; Hebreo 1:3; 10:12; 12:2; I Pedro 3:22; Awit 110:1; Mateo 22:44; Marcos 12:36; Lucas 20:42-43; Hebreo 1:13).
Nang mabautismuhan si Jesus, nagsalita ang kanyang Amang nasa langit nang patungkol sa kaniya, bagay na hindi na sana niya ginawa kung ang Ama ay siya na rin ang Anak (Mateo 3:16-17; Marcos 1:9-11; Lucas 3:21-22).
Si Cristo ay bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kanyang sariling kalooban kundi ang kalooban ng kanyang Ama na nagsugo sa kanya (Juan 4:34; 6:38; Hebreo 10:7, 9). Gayon din naman, sinabi ni Cristo na ang kanyang mga turo ay hindi kaniya kundi sa kanyang Ama na nagsugo sa kanya (Juan 7:16; 8:28; 12:49; 14:24; 17:8). Kaugnay nito, si Cristo ay naparito sa sanlibutang ito hindi sa kaniyang sarili kundi sa kagustuhan ng kanyang Ama (Juan 7:28-29; 8:42). Sa maraming pagkakataon, sinabi ni Cristo na kanyang Ama ang nagsugo sa kanya (Juan 5:23-24, 36; 6:39, 57; 7:33; 8:26; 11:42; 12:44; 13:20; 16:5; 17:8, 18, 25, I Juan 4:9-10, 14).
Kung papaano na ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili (Juan 5:26). Mga bagay na hindi sana naganap kung ang Dios Ama ay siya na rin ang Anak (Cristo).
Kung paanong dalawa ang gumagawa ng paghatol (Juan 8:16), dalawa din ang nararapat nating sampalatayanan, ang Ama at ang Anak (Juan 12:44; 14:1).
Upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, dalawa ang dapat nating makilala, ang iisang Dios, ang Makapangyarihan sa Lahat, at ang kanyang isinugo, si Jesucristo, ang Anak ng Dios (Juan 17:3).
Binuhay ng Amang Dios ang ating Panginoong Jesucristo sa mga patay (Gawa 2:24, 32; 3:15; 10:40; 13:30; I Corinto 15:15; Galacia1:1; Efeso 1:20). Kung ang Ama ay siya na rin ang Anak ng Dios, walang sanang bumuhay kay Cristo sa mga patay.
Kapag dumating na ang wakas, ibibigay ni Cristo sa Amang Dios ang kaharian at pagkatapos ang Anak din ay magpapasakop sa Ama upang ang Dios ay maghari sa lahat (I Corinto 15:24-28). Dapat nating malaman na mayroong magbibigay ng kaharian (ang Cristo) at mayroong tatanggap nito, ang Dios Ama.
May malaking mga pagkakaiba ang Dios Ama at ang Anak ng Dios ukol sa kanilang banal na pangalan, pagkakilala, kalikasan at mga katangian. Ang banal na pangalang 'Dios Ama' na siyang ibig ipakahulugan, na hindi kailanman ikinapit sa Anak ng Dios, ay matatagpuan sa mga sumusunod na mga taludtod: (Juan 6:27; I Corinto 15:24; Galacia 1:1; Efeso 5:20; 6:23; Filipos 2:11; I Tesalonica 1:1; II Tesalonica 1:2; I Timoteo 1:2; II Timoteo 1:2; Tito 1:4; I Pedro 1:2; II Pedro 1:17; II Juan 3; Judas 1).
Ang Dios (ang Ama) ay kinikilala bilang Panginoon/Dios na Makapangyariahan sa lahat (Genesis 17:1; 28:3; 35:11; 43:14; 48:3; Exodo 6:3; Ezekiel 10:5; Apocalipsis 4:8; 11:17; 15:3; 16:7, 14; 19:6, 15; 21:22) na mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan (I Cronica 16:36; 29:10; Nehemias 9:5; Isaias 40:28; Awit 41:13; 90:2; 93:2; 106:48).
Dagdag pa dito, ang Dios (Ama) ay kinikilala bilang Dios ng mga diyos (Deuteronomio 10:17; Awit 136:2; Daniel 11:36), Panginoon/Dios na Kataastaasan (Genesis 14:18-20, 22; Awit 7:17; 47:2; 57:2; 78:35; Hebreo 7:1), Dios/Hari na walang hanggan (Genesis 21:33; Deuteronomio 33:27; Roma 16:26; Jeremias 10:10), hindi namamatay at hindi nakikita ng tao (I Timoteo 1:17; 6:16; Roma 1:23; Juan 1:18; 6:46).
Sa kaibahan, ang banal na pangalan ng 'Anak ng Dios' na siyang ibig ipakahulugan, na hindi kailanman ikinapit sa Dios Ama, ay matatagpuan sa mga sumusunod na mga taludtod: (Mateo 14:33; 26:63-64; Lucas 1:35; 22:70; Juan 1:34, 49-50; 11:27; 20:31; Gawa 8:37; 9:20; Roma 1:3-4; II Corinto 1:19; Galacia 2:20; Efeso 4:13; Hebreo 4:14; 6:6; I Juan 4:15; 5:5).
Ang 'Anak ng Dios' ay may pasimula (Juan 1:1), ang larawan ng Dios na hindi nakikita at panganay sa mga nilalang (Colosas 1:15) at naging Anak ng Dios Ama (I Cronica 17:13; Awit 2:7; Hebreo 1:5; 5:5).
Ang Anak ng Dios ay nagkatawang tao (Juan 1:14; I Juan 4:2; II Juan 7), at namatay (Mateo 27:50; Marcos 15:37; Lucas 23:46; Juan 19:33).
Si Jesucristo ay tumanggap ng karangalan at kaluwalhatian mula sa Dios Ama (Mateo 3:17; 17:5; Marcos 9:7; Lucas 9:35; II Pedro 1:17). Nararapat na makita na mayroong nagbigay ng karangalan at kaluwalhatian, ang Ama, at mayroong tumanggap nito, ang Anak.
Kung paanong dapat nating pakisamahan kapwa ang Ama at ang Anak ( I Juan 1:3), dalawa din ang mapagkukunan ng biyaya, kaawaan at kapayapaan, una sa Ama at pangalawa, sa kaniyang Anak. (Efeso 6:23; I Tesalonica 1:1; II Tesalonica 1:2; I Timoteo 1:2; II Timoteo 1:2; Tito 1:4; Filemon 3; II Juan 3).
Kahalintulad nito, ang lahat ng nananahan sa aral ng Dios ay kinaroroonan kapwa ng Ama at ng Anak (II Juan 9).
Kapag dumating ang takdang oras, ang mga banal na makakalakip sa unang pagkabuhay ng mag-uli ay magiging saserdote kapwa ng Dios (ang Ama) at ni Cristo (Apocalipsis 20:6).
Si Cristo ang nagiisang Tagapamagitan sa tao at sa Dios Ama (I Timoteo 2:5; Hebreo 9:15; 12:24; I Juan 2:1). Sa tamang pangangatwiran, ang Tagapamagitan, si Jesucristo ay iba sa Dios Ama.
Ang mga talatang nabanggit ay ilan lamang sa matitibay na mga basehan bilang pagpapatunay na ang Dios Ama at ang Anak ay may bukod na kalagayan. Mauunawaan natin ito kung imumulat natin ang ating mga mata at handa tayong tumanggap ng katotohanan. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!
Litrato ay kuha ni stempow galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).