ANG PAGGUNITA SA KAMATAYAN NG PANGINOONG JESUCRISTO



1. Tanong: Kailan naganap ang huling hapunan ng Panginoong Jesucristo?

Sagot: Ang huling hapunan ng Panginoong Jesucristo ay naganap na kasama ang labingdalawang apostol nuong gabi bago ipagkanulo at hulihin ang Panginoong Jesucristo at ipako sa Krus.

(Mateo 26:20-21, ADB1905) Nang dumating nga ang gabi, ay nakaupo siya sa pagkain na kasalo ang labingdalawang alagad; (Mateo 26:21) At samantalang silay nagsisikain, ay sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na akoy ipagkakanulo ng isa sa inyo.

(Marcos 14:17-18, ADB1905) At nang gumabi na ay naparoon siyang kasama ang labingdalawa. (Marcos 14:18) At samantalang silay nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako.

(Lucas 22:14-15, ADB1905) At nang dumating ang oras, ay naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya. (Lucas 22:15) At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap:

Bumalik sa itaas

2. Tanong: Ano ang sinisimbulo ng tinapay na walang lebadura na pinagputol-putol at ipinamahagi ni Cristo sa kanyang mga alagad nuong huling hapunan?

Sagot: Ang tinapay na walang lebadura ay sinisimbulo ang katawan ng Panginoong Jesucristo.

(Mateo 26:26, ADB1905) At samantalang silay nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

(Marcos 14:22, ADB1905) At samantalang silay nagsisikain, ay dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan.

(Lucas 22:16, 19, ADB1905) Sapagkat sinasabi ko sa inyo, Itoy hindi ko kakanin, hanggang sa itoy maganap sa kaharian ng Dios. (Lucas 22:19) At siyay dumampot ng tinapay, at nang siyay makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Itoy aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

(I Corinto 11:24, ADB1905) At nang siyay makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Itoy aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

Bumalik sa itaas

3. Tanong: Ano ang sinisimbulo ng saro na may katas ng bunga ng ubas na ibinigay ni Cristo sa kanyang mga alagad at ininom nuong huling hapunan?

Sagot: Ang saro na may katas ng bunga ng ubas na ipinamahagi ni Cristo sa kanyang mga alagad ay sinisimbulo ang kanyang dugo na siyang bagong tipan para sa ikapagpapatawad ng kasalanan.

(Mateo 26:27-29, ADB1905) At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; (Mateo 26:28) Sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami sa ikapagpapatawad ng kasalanan.” (Mateo 26:29) Datapuwat sinasabi ko sa inyo, na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo sa kaharian ng aking Ama.

(Marcos 14:23-25, ADB1905) At siyay {Jesucristo} dumampot ng isang saro, at nang siyay makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at dooy nagsiinom silang lahat. (Marcos 14:24) At sinabi niya sa kanila, Itoy ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami. (Marcos 14:25) Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharian ng Dios.

(Lucas 22:17-18, 20, ADB1905) At siyay tumanggap ng isang saro, at nang siyay makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin: (Lucas 22:18) Sapagkat sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios. (Lucas 22:20) Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

(I Corinto 11:25, ADB1905) At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayoy magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

Bumalik sa itaas

4. Tanong: Ano ang kabuluhan ng pagkain ng tinapay na walang lebadura na sinisimbulo ng katawan ni Cristo; at pag-inum sa saro na may katas ng bunga ng ubas na sinisimbulo ng dugo ni Cristo?

Sagot: Ang kumakain ng tinapay na walang lebadura at umiinom sa saro na may katas ng bunga ng ubas ay pagpapahayag ng pagkamatay ng Panginoong Jesucristo hangang sa kanyang muling pagparito.

(I Corinto 11:26, ADB1905) Sapagkat sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.

Bumalik sa itaas

5. Tanong: Bakit ang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo ay kailangang kumain ng tinapay na walang levadura at iminom sa saro na may katas ng bunga ng ubas habang buhay?

Sagot: Ang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo ay kailangang kumain ng tinapay na walang levadura at uminom sa saro na may katas ng bunga ng ubas habang buhay ayon sa utos ni Cristo bilang pag-alaala sa kanya at upang magkamit ng buhay na walang hanggan.

(Lucas 22:19, ADB1905) At siyay dumampot ng tinapay, at nang siyay makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Itoy aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

(I Corinto 11:24-25, ADB1905) At nang siyay makapagpasalamat, ay kanyang pinagputolputol, at sinabi, Itoy aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagalaala sa akin. (I Corinto 11:25) At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, at sinasabi, ang sarong itoy siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayoy magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

(Juan 6:53-56, ADB1905) Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili. (Juan 6:54) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siyay aking ibabangon sa huling araw. (Juan 6:55) Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. (Juan 6:56) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at akoy sa kaniya.

Bumalik sa itaas

 

Buod:

Ang huling hapunan ng Panginoong Jesucristo ay ginanap na kasama ang labing-dalawang apostol nuong gabi bago ipagkanulo at hulihin at ipako sa Krus ang Panginoong Jesucristo (Mateo 26:20-21; Marcos 14:17-18; Lucas 22:14-15).

Ang tinapay na walang lebadura ay sumisimbulo ng katawan ni Jesucristo (Mateo 26:26; Marcos 14:22; Lucas 22:16,19; I Corinto 11:24) habang ang pag-inom sa saro na may katas ng bunga ng ubas nuong huling hapunan ay sumisimbulo sa dugo ni Jesucristo, na siyang bagong tipan, na nabuhos para sa ikapagpapatawad ng kasalan ng sanlibutan (Mateo 26:27-29; Marcos 14:23-25; Lucas 22:17-18, 20; I Corinto 11:25).

Tuwing kumakain tayo ng tinapay na walang lebadura at umiinom sa saro na may katas ng bunga ng ubas ay inihahayag natin ang pagkamatay ng Panginoong Jesucristo hangang sa kanyang muling pagparito (I Corinto 11:26). Ang mga taga-sunod ni Jesucristo ay nararapat na gawin ito habang buhay bilang pag-alaala sa kanya (Lucas 22:19; I Corinto 11:24-25), at upang magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 6:53-56). Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!


Litrato ay kuha ni Ron Johns galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).