ANG PAGKABUHAY NA MAG-ULI AT BUHAY NA WALANG HANGGAN
TALAHANAYAN NG NILALAMAN:
1. Tanong: Ano ang kahulugan ng 'pagkabuhay na mag-uli'?
2. Tanong: Ano ang kahulugan ng 'buhay na walang hanggan' at paano magkakaroon nito ang tao?
4. Tanong: Sino ang bubuhay na mag-uli sa mga patay?
5. Tanong: Sino ang unang bubuhayin at sasalubong sa Panginoong Jesucristo?
6. Tanong: Ano pa ang magaganap sa muling pagdating ng Panginoong Jesucristo?
7. Tanong: Ano ang mangyayari sa mga namatay na hindi naniwala sa Panginoong Jesucristo?
8. Tanong: Ano ang pangako ng Dios sa mga magtatagumpay?
9. Tanong: Ano ang mangyayari sa mga tao na hindi nasumpungan ang pangalan sa aklat ng buhay?
1. Tanong: Ano ang kahulugan ng 'pagkabuhay na mag-uli'?
Sagot: Ang 'pagkabuhay na mag-uli' ay ang pagbabalik ng buhay pagkatapos mamatay. Ang katawan ng mga tao ay babaguhin mula sa nasisira sa hindi nasisira at magiging katulad ng mga anghel.
(Mateo 22:30, ADB1905) Sapagkat sa pagkabuhay na maguli ay hindi na mangagaasawa, ni mga papagaasawahin pa, kundi gaya ng mga anghel sa langit.
(Gawa 2:31-32, ADB1905) Palibhasay nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siyay hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. (Gawa 2:32) Ang Jesus na itoy binuhay na maguli ng Dios, at tungkol ditoy mga saksi kaming lahat.
(Roma 1:4, ADB1905) Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng {mula sa} mga patay, sa makatuwid bagay si Jesucristo na Panginoon natin,
(I Corinto 15:42, ADB1905) Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan;
(I Pedro 1:3, ADB1905) Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
(I Pedro 3:21-22, ADB1905) Na ayon sa tunay na kahawig ngayoy nagligtas, sa makatuwid bagay ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo; (I Pedro 3:22) Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.
2. Tanong: Ano ang kahulugan ng 'buhay na walang hanggan' at paano magkakaroon nito ang tao?
Sagot: Ang 'buhay na walang hanggan' ay ang makilala ng tao ang iisang Dios na tunay, at si Jesucristo, na kung sino ang maniwala sa kanya ay hindi mamamatay kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
(Juan 3:15, ADB1905) Upang ang sinomang sumampalataya {kay Cristo} ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.
(Juan 3:16, ADB1905) Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak {Cristo}, upang ang sinomang sa kaniyay sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
(Juan 3:36, ADB1905) Ang sumasampalataya sa Anak {Cristo} ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.
(Juan 6:40, ADB1905) Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat nakakakita sa Anak, at sa kaniyay sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.
(Juan 11:25-26, ADB1905) Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagamat siyay mamatay, gayon may mabubuhay siya;. (Juan 11:26) At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?
(Juan 17:3, ADB1905) Ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid bagay si Jesucristo.
(I Juan 5:13, ADB1905) Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayoy mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.
3. Tanong: Kailan magaganap ang pagkabuhay na mag-uli at pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa mga namatay na mananampalataya?
Sagot: Ang pagkabuhay na mag-uli at pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa mga namatay na mananampalataya ay magaganap sa huling pagtunog ng pakakak. Ang mga patay ay mangabubuhay na mag-uli na walang kasiraan, at babaguhin.
(I Corinto 15:52, ADB1905) Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagkat tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayoy babaguhin.
4. Tanong: Sino ang bubuhay na mag-uli sa mga patay?
Sagot: Ang Dios Ama ang bubuhay na mag-uli sa mga patay, sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo.
(I Corinto 6:14, ADB1905) At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
(II Corinto 1:9, ADB1905) Oo, kamiy nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay:
(II Corinto 4:14, ADB1905) Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin {mga banal} na kalakip ni Jesus at ihaharap kaming kasama ninyo.
(Gawa 17:31, ADB1905) “Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay.
(I Corinto 15:12, ADB1905) “Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?”
(Juan 5:25, ADB1905) Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.
(Juan 6:40, ADB1905) Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat nakakakita sa Anak, at sa kaniyay sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.
(Juan 6:44, ADB1905) Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniyay magdala sa akin; at siyay aking ibabangon sa huling araw.
(Juan 6:54, ADB1905) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siyay aking ibabangon sa huling araw.
5. Tanong: Sino ang unang bubuhayin at sasalubong sa Panginoong Jesucristo?
Sagot: Ang unang bubuhayin ay ang mga nangamatay na sumampalataya kay Cristo. Pagkatapos nito, ang mga aabutang buhay na mananampalataya ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin.
(I Tesalonica 4:16-17, ADB1905) Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli. (I Tesalonica 4:17) Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganitoy sasa Panginoon tayo magpakailan man.
6. Tanong: Ano pa ang magaganap sa muling pagdating ng Panginoong Jesucristo?
Sagot: Ang mga mananampalataya ay maghaharing kasama si Cristo ng isang libong taon sa lupa.
(Apocalipsis 20:4, ADB1905) At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, silay pinag-kalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at silay nangabuhay at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
(Apocalipsis 20:6, ADB1905) Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga itoy walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi silay magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7. Tanong: Ano ang mangyayari sa mga namatay na hindi naniwala sa Panginoong Jesucristo?
Sagot: Ang mga namatay na hindi naniwala sa Panginoong Jesucristo ay hindi mabubuhay hanggang matapos ang isang libong taon.
(Apocalipsis 20:5, ADB1905) Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
8. Tanong: Ano ang pangako ng Dios sa mga magtatagumpay?
Sagot: Ang mga magtatagumpay ay magkakaroon ng karapatang kumain sa puno ng buhay at uminom sa ilog ng tubig ng buhay at ang kanyang pangalan ay hindi papawiin sa aklat ng buhay. Sila ay magiging kanyang bayan, at ang Dios ay makakasama nila; at magiging mga anak ng Dios at makikita ang kanyang mukha.
(Apocalipsis 2:7, ADB1905) Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay na nasa Paraiso ng Dios.
(Apocalipsis 22:1-2, ADB1905) At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero. (Apocalipsis 22:2) Sa gitna na lansangang yaon, at sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga na labindalawang ibat ibang bunga, na namumunga sa bawat buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
(Apocalipsis 3:5, ADB1905) Ang magtagumpay ay madaramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko {Cristo} papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan na aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
(Apocalipsis 21:3, ADB1905) At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siyay mananahan sa kanila, at silay magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
(Apocalipsis 21:7, ADB1905) Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at akoy magiging Dios niya, at siyay magiging anak ko.
(Apocalipsis 22:4, ADB1905) At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.
9. Tanong: Ano ang mangyayari sa mga tao na hindi nasumpungan ang pangalan sa aklat ng buhay?
Sagot: Ang hindi nasumpungan ang pangalan sa aklat ng buhay ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy.
(Apocalipsis 20:15, ADB1905) At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay ay ibinulid sa dagat- dagatang apoy.
Buod:
Ang 'pagkabuhay na mag-uli' ay ang pagbabalik ng buhay pagkatapos mamatay. Ang katawan ng mga tao ay babaguhin mula sa nasisira sa hindi nasisira at magiging katulad ng mga anghel (Mateo 22:30; Gawa 2:31-32; Roma 1:4; I Corinto 15:42; I Pedro 1:3; 3:21-22). Ang 'buhay na walang hanggan' ay ang makilala ng tao ang iisang Dios na tunay, at si Jesucristo, na kung sino ang maniwala sa kanya ay hindi mamamatay kundi magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:15-16, 36; 6:40; 11:25-26; 17:3; I Juan 5:13).
Ang pagkabuhay na mag-uli at pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa mga namatay na mananampalataya ay magaganap sa huling pagtunog ng pakakak. Ang mga patay ay mangabubuhay na mag-uli na walang kasiraan, at babaguhin (I Corinto 15:52). Ang Dios na siyang bumuhay sa Panginoong Jesucristo ang bubuhay na mag-uli sa mga banal (I Corinto 6:14; II Corinto 4:14). Ang unang bubuhayin ay ang mga nangamatay na sumampalataya kay Cristo. Pagkatapos nito, ang mga aabutang buhay na mananampalataya ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin (I Tesalonica 4:16-17). Pagkatapos nito, ang mga mananampalataya ay maghaharing kasama si Cristo ng isang libong taon sa lupa (Apocalipsis 20:4, 6).
Ang mga namatay na hindi naniwala sa Panginoong Jesucristo ay hindi mabubuhay hanggang matapos and isang libong taon (Apocalipsis 20:5).
Ang mga magtatagumpay ay magkakaroon ng karapatang kumain sa puno ng buhay at uminom sa ilog ng tubig ng buhay (Apocalipsis 2:7; 22:1-2), at ang kanyang pangalan ay hindi papawiin sa aklat ng buhay (Apocalipsis 3:5). Sila ay magiging kanyang bayan, at ang Dios ay makakasama nila at magiging Dios nila at magiging mga anak ng Dios (Apocalipsis 21:3,7), at makikita ang kanyang mukha at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo (Apocalipsis 22:4).
Ang hindi nasumpungan ang pangalan sa aklat ng buhay ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy. (Apocalipsis 20:15).
Pagsumikapan nating maligtas at makasama ang Dios at ang Panginoong Jesucristo at ang mga banal sa Paraiso. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!
Litrato ay kuha ni Adam Derewecki galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).