ANG PAG-IBIG, PAGKATAKOT, PAGLILINGKOD, PAGSAMBA AT PAGSUNOD SA PANGINOONG DIOS



1. Tanong: Ano ang hinihingi ng Panginoong Dios sa kanyang bayan?

Sagot: Hinihingi ng Panginoong Dios sa kanyang bayan na ibigin siya ng buong puso at kaluluwa at buong lakas, katakutan siya, paglingkuran siya, sambahin siya at tuparin ang kanyang mga utos at palatuntunan at lumakad sa kanyang mga daan.

Ang Sampung Utos ng Dios

(Exodo 20:3, ADB1905) Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

(Exodo 20:4, ADB1905) Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

(Exodo 20:7, ADB1905) Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagkat hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

(Exodo 20:8, ADB1905) Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.

(Exodo 20:12, ADB1905) Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.

(Exodo 20:13, ADB1905) Huwag kang papatay.

(Exodo 20:14, ADB1905) Huwag kang mangangalunya.

(Exodo 20:15, ADB1905) Huwag kang magnanakaw.

(Exodo 20:16, ADB1905) Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.

(Exodo 20:17, ADB1905) Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.

(Exodo 23:25, ADB1905) At inyong paglilingkuran ang Panginoon ninyong Dios, at kaniyang babasbasan ang iyong tinapay at ang iyong tubig; at aking aalisin ang sakit sa gitna mo.

(Deuteronomio 6:5, 13, 24, ADB1905) At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. (Deuteronomio 6:13) Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniyay maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka. (Deuteronomio 6:24) At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin kailan man, upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito.

(Deuteronomio 10:12, ADB1905) At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.

(Deuteronomio 11:1, ADB1905) Kayat iyong iibigin ang Panginoon mong Dios, at iyong susundin ang kaniyang bilin, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, at ang kaniyang mga utos kailan man.

(Deuteronomio 31:12, ADB1905) Pisanin mo ang bayan, ang mga lalake at mga babae at mga bata, at ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kanilang marinig, at upang kanilang pagaralan, at matakot sa Panginoon mong Dios, at isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito;

(Joshue 22:5, ADB1905) Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.

(Joshue 24:14, ADB1905) Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.

(II Cronica 30:8, ADB1905) Ngayoy huwag kayong maging mapagmatigas na ulo, na gaya ng inyong mga magulang; kundi magsitalaga kayo sa Panginoon, at magsipasok sa kaniyang santuario, na kaniyang itinalaga magpakailan man at kayoy mangaglingkod sa Panginoon ninyong Dios, upang ang kaniyang malaking galit ay maalis sa inyo.

(Ecclesiastes 12:13, ADB1905) Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao.

(Mikas 6:8, ADB1905) Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.

Bumalik sa itaas

2. Tanong: May mga tiyak na mga babala ba mula sa Panginoong Dios ukol sa pagsamba sa mga diosdiosan at hindi pagiingat sa kaniyang mga utos at mga palatuntunan?

Sagot: May mga tiyak na mga babala ang Panginoon Dios ukol sa pagsamba sa mga diosdiosan at hindi pagiingat sa kaniyang mga utos at palatuntunan . Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:

(Exodo 20:5, ADB1905) Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagkat akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;

(Exodo 34:14, ADB1905) Sapagkat hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagkat ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:

(Levitico 19:4, ADB1905) Huwag ninyong babalikan ang mga diosdiosan, ni huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga dios na binubo: ako ang Panginoon ninyong Dios.

(Deuteronomio 8:19, ADB1905) At mangyayari, na kung iyong kalilimutan ang Panginoon mong Dios, at ikaw ay susunod sa ibang mga dios, at iyong paglilingkuran sila, at iyong sasambahin sila ay aking pinatototohanan laban sa inyo sa araw na ito, na kayoy tunay na malilipol.

(Hukom 6:10, ADB1905) At aking sinabi sa inyo, Ako ang Panginoon ninyong Dios; kayoy huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo, na siyang lupaing inyong tinatahanan: ngunit hindi ninyo dininig ang aking tinig.

(I Samuel 12:15, ADB1905) Ngunit kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon, kundi manghihimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon, ay magiging laban nga sa inyo ang kamay ng Panginoon gaya sa inyong mga magulang.

(II Cronica 7:19, ADB1905) Ngunit kung kayo ay magsisihiwalay, at iiwan ninyo ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos na aking inilagay sa harap ninyo, at magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:

Bumalik sa itaas

3. Tanong: Sumunod ba ang mga Israelita sa Panginoong Dios?

Sagot: Marami sa mga Israelita ay hindi sumunod sa Panginoong Dios at sa halip sumamba sa ibang mga diyos.

(Exodo 32:31, ADB1905) At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang itoy nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto.

(Bilang 25:1-3, ADB1905) At ang Israel ay tumahan sa Sittim, at ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab: (Bilang 25:2) Sapagkat kanilang tinawag ang bayan sa mga hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios. (Bilang 25:3) At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.

(Deuteronomio 29:26, ADB1905) At silay yumaon at naglingkod sa ibang mga dios, at sinamba nila, na mga dios na hindi nila nakilala, at hindi niya ibinigay sa kanila:

(Hukom 2:11-12, ADB1905) At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal: (Hukom 2:12) At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at silay yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.

(I Hari 11:4-7, 33, ADB1905) Sapagkat nangyari, nang si Salomon ay matanda na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kaniyang ama. (I Hari 11:5) Sapagkat si Salomon ay sumunod kay Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay Milcom, na karumaldumal ng mga Ammonita. (I Hari 11:6) At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama. (I Hari 11:7) Nang magkagayoy ipinagtayo ni Salomon ng mataas na dako si Chemos na karumaldumal ng Moab, sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon. (I Hari 11:33) Sapagkat kanilang pinabayaan ako, at sinamba si Astaroth na diosa ng mga Sidonio, si Chemos na dios ng Moab, at si Milcom na dios ng mga anak ni Ammon; at silay hindi nagsilakad sa aking mga daan upang gawin ang matuwid sa aking paningin, at upang ingatan ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

(I Hari 14:22, ADB1905) At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,

(II Hari 17:15-19, 33-34, ADB1905) At kanilang {Israelita} itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at silay nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon. (II Hari 17:16) At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga larawang binubo, sa makatuwid bagay ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang Asera, at sinamba ang buong natatanaw sa langit, at nagsipaglingkod kay Baal. (II Hari 17:17) At kanilang pinaraan ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy, at nagsihilig sa panghuhula at mga panggagaway, at nangapabili upang magsigawa ng masama sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin siya sa galit. (II Hari 17:18) Kayat ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang. (II Hari 17:19) Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa. (II Hari 17:33) Silay nangatakot sa Panginoon, at {ngunit} nagsipaglingkod {din} sa kanilang sariling mga dios, ayon sa paraan ng mga bansa na kinadalhang bihag nila. (II Hari 17:34) Hanggang sa araw na ito ay ginagawa nila ang ayon sa mga dating paraan: silay hindi nangatatakot sa Panginoon, o nagsisigawa man ng ayon sa kanilang mga palatuntunan, o ayon sa kanilang mga ayos, o ayon sa kautusan, o ayon sa utos na iniutos ng Panginoon sa mga anak ni Jacob, na kaniyang pinanganlang Israel,

(Jeremias 11:13, ADB1905) Sapagkat ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios. Oh Juda; at ayon sa bilang ng mga lansangan ng Jerusalem ay nagtayo kayo ng mga dambana sa kahiyahiyang bagay, mga dambana upang pagsunugan ng kamangyan kay Baal.

(Jeremias 18:15, ADB1905) Sapagkat kinalimutan ako ng aking bayan {Juda}, silay nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at silay nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;

(Jeremias 44:3, 5, ADB1905) Dahil sa kanilang kasamaan na kanilang {Juda} ginawa upang mungkahiin ako sa galit, sa kanilang pagsusunog ng kamangyan, at sa paglilingkod sa ibang mga dios, na hindi nila nakilala, kahit nila, o ninyo man, o ng inyong mga magulang man. (Jeremias 44:5) Ngunit hindi sila nakinig, o ikiniling man nila ang kanilang pakinig na magsihiwalay sa kanilang kasamaan, na huwag mangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios.

Bumalik sa itaas

4. Tanong: Ano ang naging dulot ng hindi pagsunod ng mga Israelita sa Panginoon Dios?

Sagot: Ang galit ng Panginoon ay nagalab ng lubos. Nuong panahon ng mga hari, ang kaharian ni Salomon ay nahati (Juda-southern kingdom- may 2 tribo at Israel-northern kingdom-may 10 tribo); nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Juda at Israel; sila ay ibinigay sa kanilang mga kaaway; ang ilan ay naipatapon sa ibang lupain at naging mga alipin.

(Deuteronomio 29:27-28, ADB1905) Kayat ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa lupaing ito, upang dalhin sa kaniya ang buong sumpa na nasusulat sa aklat na ito: (Deuteronomio 29:28) At silay binunot ng Panginoon sa kanilang lupain, sa kagalitan, at sa pagiinit, at sa malaking pagkagalit, at silay itinaboy sa ibang lupain gaya sa araw na ito.

(Hukom 10:7, ADB1905) At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng mga anak ni Ammon.

(I Hari 11:10-11, 13, 31, ADB1905) At siyang nagutos sa kaniya {Salomon} tungkol sa bagay na ito, na siyay huwag sumunod sa ibang mga dios; ngunit hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon. (I Hari 11:11) Kayat sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang itoy nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod. (I Hari 11:13) Gayon may hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem na aking pinili. {I Hari 12:17, 21}* (I Hari 11:31) At kaniyang sinabi kay Jeroboam {sumunod kay Salomon na naging hari ng Israel}, Kunin mo sa iyo ang sangpung putol: sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking aagawin ang kaharian sa kamay ni Salomon, at ibibigay ko ang sangpung lipi sa iyo:

(I Hari 15:17, ADB1905) At si Baasa na hari sa Israel ay umahon laban sa Juda, at itinayo ang Rama upang huwag niyang matiis na sinomay lumabas o pumaroon kay Asa na hari sa Juda.

(II Hari 17:6-7;18-19, 22-23, ADB1905) Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo. (II Hari 17:7) At nagkagayon, sapagkat ang mga anak ni Israel ay nangagkasala laban sa Panginoon nilang Dios, na siyang nagahon sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto, at silay natakot sa ibang mga dios. (II Hari 17:18) Kayat ang Panginoon ay totoong nagalit sa Israel, at inalis sila sa kaniyang paningin: walang naiwan kundi ang lipi ni Juda lamang. (II Hari 17:19) Hindi rin naman iningatan ng Juda ang mga utos ng Panginoon nilang Dios, kundi nagsilakad sa mga palatuntunan ng Israel na kanilang ginawa. (II Hari 17:22) At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa; hindi nila hiniwalayan (II Hari 17:23) Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.

(II Hari 18:11-12, ADB1905) At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria, at inilagay sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo: (II Hari 18:12) Sapagkat hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon nilang Dios, kundi kanilang sinalangsang ang kaniyang tipan, ang lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Panginoon, at hindi dininig o ginawa man.

(II Hari 21:12, ADB1905) Kayat ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin ang ganiyang kasamaan sa Jerusalem at sa Juda, na sinomang makabalita ay magpapanting ang dalawang tainga.

(II Hari 22:16-17, ADB1905) Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, akoy magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid bagay lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda: (II Hari 22:17) Sapagkat kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay, kayat ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito, at hindi mapapatay.

(II Hari 23:27) At sinabi ng Panginoon, Akin ding aalisin ang Juda sa aking paningin, gaya ng aking pagaalis sa Israel, at aking itatakuwil ang bayang ito na aking pinili, sa makatuwid bagay ang Jerusalem, at ang bahay na aking pinagsabihan. Ang pangalan koy doroon.

(II Hari 24:2, ADB1905) At ang Panginoon ay nagsugo laban sa kaniya (haring Jehoiachin ng Juda) ng mga pulutong ng mga Caldeo, at ng mga pulutong ng mga taga Siria, at ng mga pulutong ng mga Moabita, at ng mga pulutong ng mga anak ni Ammon, at sinugo sila laban sa Juda upang lipulin ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.

(I Cronica 9:1, ADB1905) Sa gayoy ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, silay nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juday dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang.

(II Cronica 36:19-20, ADB1905) At sinunog nila {Babilonia} ang bahay ng Dios, at ibinagsak ang kuta ng Jerusalem, at sinunog sa apoy ang lahat na bahay hari niya, at giniba ang lahat na mainam na sisidlan niyaon. (II Cronica 36:20) At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga naging alipin niya {Nebuchadnezzar} at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia:

(Jeremias 11:17, ADB1905) Sapagkat ang Panginoon ng mga hukbo, na nagtatag sa iyo, ay nagbabadya ng kasamaan laban sa iyo, dahil sa kasamaan ng sangbahayan ni Israel, at ng sangbahayan ni Juda na kanilang ginawa sa ganang kanilang sarili sa pamumungkahi sa akin sa galit sa pamamagitan ng paghahandog ng kamangyan kay Baal.

(Ezekiel 39:23, ADB1905) At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagkat silay nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayoy ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

*Kaugnay na mga talata:

(I Hari 12:17, 21, ADB1905) Ngunit tungkol sa mga anak ni Israel na nagsitahan sa mga bayan ng Juda, ay pinagharian sila ni Roboam.

(I Hari 12:21, ADB1905) At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon.

Bumalik sa itaas

5. Tanong: Sa ngayon, mayroon bang mga paraan ng pagsamba na hindi ayon sa kalooban ng Dios?

Sagot: Sa ngayon, mayroong mga paraan ng pagsamba na hindi ayon sa kalooban ng Dios.

(Roma 1:23, ADB1905) At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

(Roma 1:25, ADB1905) Sapagkat pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at silay nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kaysa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

Bumalik sa itaas

6. Tanong: Anong uri ng mga mananamba ang nakalulugod sa Dios?

Sagot: Nais ng Dios na sambahin siya ng tunay na mananamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan. Ito ang uri ng mga mananamba na hinahanap ng Dios.

(Juan 4:23-24, ADB1905) Datapuwat dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. (Juan 4:24) Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniyay nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.

Ang halimbawa ng pagbibigay papuri sa Dios ay nabanggit sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Corinto at sa Efeso (II Corinto 1:3; Efeso 1:3) at sa sulat ni apostol Pedro sa mga miyembro ng iglesia (I Pedro 1:3):

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo

Bumalik sa itaas

7. Tanong: Ano ang dakila at pangunang utos ng Panginoong Dios?

Sagot: Ang dakila at pangunang utos ay: Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo.

(Mateo 22:37-39, ADB1905) At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. {Deuteronomio 6:5}* (Mateo 22:38) Ito ang dakila at pangunang utos. (Mateo 22:39) At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. {Levitico 19:18}*

*Kaugnay na mga Talata:

Deuteronomio 6:5, ADB1905 - At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas.

Levitico 19:18, ADB1905 - Huwag kayong manghihiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon.

Bumalik sa itaas

 

Buod:

Hinihingi ng Panginoong Dios sa kanyang bayan na ibigin siya ng buong puso at kaluluwa at buong lakas, katakutan siya, paglingkuran siya, sambahin siya at tuparin ang kanyang mga utos at palatuntunan at lumakad sa kanyang mga daan (Exodo 20:3; Exodo 20:4; Exodo 20:7; Exodo 20:8; Exodo 20:12; Exodo 20:13; Exodo 20:14; Exodo 20:15; Exodo 20:16; Exodo 20:17;23:25; Deuteronomio 6:5,13, 24; 10:12; 11:1; 31:12-13; Joshue 22:5; 24:14; II Cronica 30:8; Ecclesiastes 12:13; at Mikas 6:8).

May tiyak na mga babala ang Panginoong Dios ukol sa pagsamba sa mga diosdiosan at hindi pagiingat sa kaniyang mga utos at palatuntunan (Exodo 20:5; Exodo 20:23; 34:14; Levitico 19:4; Hukom 6:10; I Samuel 12:15; II Cronica 7:19-20).

Marami sa mga Israelita ay hindi sumunod sa Panginoong Dios at sa halip sumamba sa ibang mga dios (Exodo 32:31; Bilang 25:1-3; Deuteronomio 29:26; Hukom 2:11-12; I Hari 11:4-7, 33; 14:22; II Hari 17:15-19, 33-34; Jeremias 11:13; 18:15; 44:3, 5).

Dahil dito, ang galit ng Panginoon ay nagalab ng lubos. Nuong panahon ng mga hari, ang kaharian ni Salomon ay nahati (Juda-southern kingdom-may 2 tribo at Israel-northern kingdom-may 10 tribo); nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Juda at Israel; sila ay ibinigay sa kanilang mga kaaway; ang ilan ay naipatapon sa ibang lupain at naging mga alipin (Deuteronomio 29:27-28; Hukom 10:7; I Hari 11:10-11, 13, 31; 15:17; II Hari 17:6-7, 18-19, 22-23; 18:11-12; 21:12; 22:16-17; 23:37; 24:2, I Cronica 9:1; II Cronica 36:19-20; Jeremias 11:17; Ezekiel 39:23).

Sa ngayon, mayroon pang mga paraan ng pagsamba na hindi ayon sa kalooban ng Dios, sapagka’t pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira (Roma 1:23), at ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila’y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kaysa Lumalang (Roma 1:25).

Nais ng Dios na sambahin siya ng tunay na mga mananamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan (Juan 4:23-24). Ito ang uri ng mananamba na hinahanap ng Dios. Hindi nakalulugod sa Dios kung ating sambahin siya maliban sa paraan na kanyang ibig na nating gawin. Palagi nating papurihan ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan (II Corinto 1:3; Efeso 1:3; I Pedro 1:3).

Huwag nating bigyan ng daan ang galit ng Dios. Huwag nating ulitin ang kamalian ng ibang mga Israelita noong unang panahon. Lagi nating alalahanin ang dakila at pangunang utos: "Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at buong lakas mo" (Mateo 22:37-39). Kung tunay na mahal natin ang Dios, susunod tayo sa kanya. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!


Litrato ay kuha ni Llyod Waters galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).