ANG MGA HANDOG PARA SA PANGINOON



1. Tanong: Sino ang mga unang nagbigay ng handog para sa Panginoon noong unang panahon?

Sagot: Ang unang naitala na paghahandog para sa Panginoon ay ginawa nila Cain at Abel.

(Genesis 4:3-4, ADB1905) At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon. (Genesis 4:4) At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:

Bumalik sa itaas

2. Tanong: Nuong panahon ni Moises, may utos ba na magbigay ang mga Israelita ng handog sa Panginoon?

Sagot: Nuong panahon ni Moises, ang Panginoon ay nagutos sa mga Israelita na magbigay sa kanya ng mga handog.

(Exodo 20:24, ADB1905) Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita.

(Exodo 25:1-2, ADB1905) At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, (Exodo 25:2) Salitain mo sa mga anak ni Israel, na silay magdala sa akin ng isang handog: ang bawat tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin.

Bumalik sa itaas

3. Tanong: Ano ang itinakdang handog sa Panginoon nuong panahon ni Moises?

Sagot: Ang itinakdang mga handog sa Panginoon nuong panahon ni Moises ay lahat ng ikasampung bahagi ng ani, binhi o bunga ng punong kahoy, at mga hain, at ang lahat ng piling panata na ipinananata sa Panginoon.

(Levitico 27:30, ADB1905) At lahat na ikasampung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.

(Deuteronomio 12:11, ADB1905) Ay mangyayari nga, na ang dakong pipiliin ng Panginoon ninyong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan ay doon ninyo dadalhin ang lahat na aking iniuutos sa inyo; ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga hain, ang inyong mga ikasangpung bahagi, at ang handog na itataas ng inyong kamay, at ang lahat ng inyong piling panata na inyong ipinananata sa Panginoon:

Bumalik sa itaas

4. Tanong: Maaari bang nakawan ng tao ang Dios?

Sagot: Maaaring nakawan ng tao ang Dios sa pagbibigay ng ikasampung bahagi at sa mga handog.

(Malakias 3:8, ADB1905) Nananakawan baga ng tao ang Dios? gayon may ninanakawan ninyo ako. Ngunit inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.

Bumalik sa itaas

5. Tanong: Sa kasalukuyan, ano ang payo sa atin ni apostol Pablo ukol sa pagbibigay ng handog?

Sagot: Si apostol Pablo ay nagpayo na magbigay ng handog ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso.

(II Corinto 9:7, ADB1905) Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

Bumalik sa itaas

6. Tanong: Ano ang mga halimbawa ng pag-aabuloy na nakalulugod sa Panginoon?

Sagot: 6.1 Ang pag-aabuloy na ginawa ng babaing bao ay nakalulugod sa Panginoon.

(Marcos 12:42-44, ADB1905) At lumapit ang isang babaing bao, at siyay naghulog ng dalawang lepta, na ang halagay halos isang beles. (Marcos 12:43) At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang baong babaing ito, ay naghulog ng higit kay sa lahat ng nangaghuhulog sa kabang-yaman: (Marcos 12:44) Sapagkat silang lahat ay nagsipaghulog ng sa kanilay labis; datapuwat siya sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang boong nasa kaniya, sa makatuwid bagay ang boong kaniyang ikabubuhay.

(Lucas 21:2-4, ADB1905) At nakita niya ang isang dukhang babaing bao na dooy naghuhulog ng dalawang lepta. (Lucas 21:3) At sinabi niya, Sa katotohanay sinasabi ko sa inyo, Ang dukhang babaing baong ito ay naghulog ng higit kay sa kanilang lahat. (Lucas 21:4) Sapagkat ang lahat ng mga yaon ay nangaghulog sa mga alay ng sa kanilay labis; datapuwat siya, sa kaniyang kasalatan ay inihulog ang buong kaniyang ikabubuhay na nasa kaniya.

6.2 Nag-abuloy ng higit pa sa iyong kaya.

(II Corinto 8:3, ADB1905) Sapagkat ayon sa kanilang kaya, ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya, ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban,

Bumalik sa itaas

7. Tanong: Ano ang babala sa mga tao na may kakayahang magbigay ngunit hindi ito ginagawa?

Sagot: Ang mga tao na may kakayahang magbigay ngunit nagbibigay ng bahagya ay mag-aani din ng bahagya habang ang nagbibigay ng sagana ay mag-aani din ng sagana.

(II Corinto 9:6, ADB1905) Datapwat sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik ng sagana ay magaani namang sagana.

Bumalik sa itaas

8. Tanong: Ano naman ang mga biyayang matatanggap ng isang mananampalataYA na sumusunod sa tamang pag-aabuloy?

Sagot: Ang mga biyayang galing sa Dios sa mga nag-aabuloy sa tamang paraan ay magsisipanagana.

(Malakias 3:10, ADB1905) Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

(II Corinto 9:8, ADB1905) At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawat mabuting gawa:

Bumalik sa itaas


Buod:

Ang unang naitala na paghahandog sa Panginoon ay ginawa nila Cain at Abel (Genesis 4:34). Ang Panginoon ay nagutos sa mga Israelita na magbigay sa kanya ng handog nuong panahon ni Moises (Exodo 25:1-2). Ang itinakdang mga handog sa Panginoon nuong panahon ni Moises ay lahat ng ika-sampung bahagi ng ani, binhi o bunga ng punong kahoy, at mga hain, at ang lahat ng piling panata na ipinananata sa Panginoon (Levitico 27:30; Deuteronomio 12:11).

Maaaring nakawan ng tao ang Dios sa pagbibigay ng ikasampung bahagi at sa mga handog (Malakias 3:8). Matuwid at angkop na gawin ang lahat ng nakalulugod sa Panginoon. Si apostol Pablo ay nagpayo na magbigay ng handog ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso, hindi mabigat sa loob, o dahil sa kailangan, sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya (II Corinto 9:7).

Ang mga halimbawa ng pag-aabuloy na ginawa ng babaing bao (Marcos 12:42-44; Lucas 21:2-4) at mag-abuloy ng higit pa sa ating kaya (II Corinto 8:3) ay nakalulugod sa Panginoon.

Ang mga tao na may kakayahang magbigay ngunit nagbibigay ng kaunti ay mag-aani din ng kaunti habang ang nagbibigay ng sagana ay mag-aani din ng sagana. (II Corinto 9:6). Tangi sa rito, ang mga biyayang galing sa Dios sa mga sumusunod sa tamang paraan ng pag-aabuloy ay magsipanagana (Malakias 3:10; II Corinto 9:8). Sapagkat iniibig ng Dios ang nagbibigay ng buong puso. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!


Litrato ay kuha ni Giani Prale galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).