BAUTISMO
TALAHANAYAN NG NILALAMAN:
1. Tanong: Ano ang kahulugan ng Bautismo?
2. Tanong: Nararapat bang bautismuhan ang mga sanggol at maliliit na mga bata?
3. Tanong: Ano ang mga kinakailangang gawin ng isang tao bago siya mabautismuhan?
4. Tanong: Ano-ano ang mga biyayang matatamo ng tao matapos siyang mabautismuhan?
1. Tanong: Ano ang kahulugan ng Bautismo?
Sagot: Ang bautismo ay ang pagkapanganak na muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu Santo.
(Mateo 3:11, ADB1905) Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwat ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyoy magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy.
(Marcos 1:8, ADB1905) Binabautismuhan ko kayo sa tubig; datapuwat kayoy babautismuhan niya sa Espiritu Santo.
(Lucas 3:16, ADB1905) Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwat dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; akoy hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayoy babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:
(Juan 1:33, ADB1905) At siyay hindi ko nakilala; datapuwat ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
(Juan 3:3-7, ADB1905) Sumagot si Jesus at sa kaniyay sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang taoy ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. (Juan 3:4) Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siya bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina at ipanganak? (Juan 3:5) Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. (Juan 3:6) Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga." (Juan 3:7) Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayoy ipanganak na muli.
(Gawa 1:5, ADB1905) Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayoy babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
Paliwanag: Ang paglulubog sa tubig sa pagsasagawa ng bautismo ay simbulo ng pagkapanganak na muli ng isang tao na maihahalintulad sa bagong silang na sanggol na walang kasalanan.
2. Tanong: Nararapat bang bautismuhan ang mga sanggol at maliliit na mga bata?
Sagot: Hindi nararapat na bautismuhan ang mga sanggol at maliliit na mga bata sapagkat ang kaharian ng Dios ay nasa kanila na.
(Mateo 19:13-15, ADB1905) Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad. (Mateo 19:14) Datapuwat sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagkat sa mga ganito ang kaharian ng langit. (Mateo 19:15) At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at umalis doon.
(Marcos 10:13-14, ADB1905) At dinadala nila sa kaniya ang maliliit na bata, upang silay kaniyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad. (Marcos 10:14) Datapuwat nang itoy makita ni Jesus, ay nagdalang galit siya, at sinabi sa kanila, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata; huwag ninyo silang pagbawalan: sapagkat sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
(Lucas 18:15-16, ADB1905) At dinala naman nila sa kaniya ang kanilang mga sanggol, upang kaniyang hipuin sila; datapuwat nang mangakita ito ng mga alagad, ay silay sinaway nila. (Lucas 18:16) Datapuwat pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, na sinasabi, Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagkat sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios.
3. Tanong: Ano ang mga kinakailangang gawin ng isang tao bago siya mabautismuhan?
Sagot: Ang mga sumusunod ay kinakailangang gawin ng tao bago maisagawa ang bautismo:
3.1 Sumampalataya sa Dios at sa kanyang Anak na si Jesucristo.
(Marcos 16:16, ADB1905) Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwat ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
(Juan 5:24, ADB1905) Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
(Juan 14:1, ADB1905) Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
(Gawa 8:36-38) At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang akoy mabautismuhan? (Gawa 8:37) At sinabi ni Felipe: Kung nanampalataya ka ng boong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Dios. (Gawa 8:38) At ipinagutos niyang itigil ang karo: at silay kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.
(Gawa 16:31, 33, ADB1905) At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. (Gawa 16:33) At silay kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdakay binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.
3.2 Ipahayag ang kanyang mga kasalanan.
(Mateo 3:6, ADB1905) At silay kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.
(Marcos 1:5, ADB1905) At nilalabas siya ng buong lupain ng Judea, at nilang lahat na mga taga Jerusalem; at silay binabautismuhan niya sa ilog ng Jordan, na nangagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
3.3 Magsisi sa kanyang mga kasalanan.
(Mateo 3:1-2, ADB1905) At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi, (Mateo 3:2) Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit
(Marcos 1:4, ADB1905) Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
(Lucas 3:3, ADB1905) At siyay napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;
(Gawa 2:38, ADB1905) At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
(Gawa 19:4, ADB1905) At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na silay magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid bagay kay Jesus.
4. Tanong: Ano-ano ang mga biyayang matatamo ng tao matapos siyang mabautismuhan?
Sagot: Ang mga biyayang matatamo ng tao matapos siyang mabautismuhan ay ang mga sumusunod:
4.1 Ang kanyang mga kasalanan ay ipatatawad at tatanggapin ang kaloob ng Espiritu Santo.
(Marcos 1:4, ADB1905) Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
(Lucas 3:3, ADB1905) At siyay napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;
(Gawa 2:38, ADB1905) At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
4.2 Siya ay magkakaroon ng karapatang tawaging anak ng Dios.
(Juan 1:12, ADB1905) Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid bagay ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
(Galacia 3:26-27, ADB1905) Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. (Galacia 3:27) Sapagkat ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.
4.3 Siya ay maagiging tagapagmana ng Dios at kasamang tagapagmana ni Cristo.
(Roma 8:16-17, ADB1905) Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayoy mga anak ng Dios: (Roma 8:17) At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya upang tayoy lumuwalhati namang kasama niya.
4.4 Siya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
(Marcos 16:16, ADB1905) Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwat ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
(Juan 3:16, ADB1905) Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniyay sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
(Juan 3:36, ADB1905) Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.
(Juan 5:24, ADB1905) Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.
Buod:
Ang bautismo ay ang pagkapanganak na muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu Santo (Mateo 3:11; Marcos 1:8; Lucas 3:16; Juan 1:33; 3:3-7; Gawa 1:5).
Hindi nararapat na bautismuhan ang mga sanggol o maliliit na mga bata sapagkat ang kaharian ng Dios ay nasa kanila na (Mateo 19:13-15; Marcos 10:13-14; Lucas 18:15-16).
Bago bautismuhan ang isang tao, kinakailangang sumampalataya siya sa Dios at sa kanyang Anak na si Jesucristo (Marcos 16:16; Juan 5:24; 14:1; Gawa 8:36-38; 16:31, 33), ipahayag ang kaniyang mga kasalanan sa Dios (Mateo 3:6; Marcos 1:5), at magsisi sa kaniyang mga kasalanan (Mateo 3:1-2; Marcos 1:4; Lucas 3:3; Gawa 2:38; 19:4).
Matapos mabautismuhan ang isang tao, ipatatawad ang kanyang mga kasalanan at tatanggapin ang kaloob ng Espiritu Santo (Marcos 1:4; Lucas 3:3; Gawa 2:38), magkakaroon ng karapatang tawaging anak ng Dios (Juan 1:12; Galacia 3:26-27), magiging tagapagmana ng Dios at kasamang tagapagmana ni Cristo. (Roma 8:16-17), at magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Marcos 16:16; Juan 3:16, 36; 5:24). Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!
Litrato ay kuha ni Couleur galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).