Ang Tunay na Kahulugan Ayon sa Banal na Kasulatan
Mga Pangunahing Doktrina ng Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus.
Bukas na Liham Ukol sa mga Babasa
Mahal kong Mambabasa,
Ang layunin ng pagsulat sa Mga Pangunahing Doktrina ng Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus na ipinaliwanag sa Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan ay upang ipabatid ang kahalagahan ng mga aral na ito ukol sa kaligtasan ng kaluluwa sa mga taong may malalambot na puso. Pagkalooban nawa kayo ng Dios na Pinakamakapangyarihan sa lahat ng karunungan upang ganap na maunawaan ang tunay na kahulugan nito.
Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905). Patnubayan nawa ng Dios ang mga tao na nasa likod ng publikasyong ito.
Maging malaya ang sinoman na kopyahin o gamitin ang mga paksa buo man o bahagi nito.
Sa inyong puna o reaksyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Email Addresses: IDCJ.quezoncity@gmail.com / iglesiangdiosonline@gmail.com
Maraming salamat at pagpalain nawa kayo ng Dios!
Pebrero 23,2019
MICHAEL R. CACNIO Ministro Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus, Project 8 Locale Chapter, NCR
Litrato ay kuha ni Free-Photos galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).