ANG PAGKAIN NG DUGO AY IPINAGBABAWAL NG DIOS
1. Tanong: Kangino unang ipinagbawal ng Dios ang pagkain ng dugo?
Sagot: 1.1 Unang ipinagbawal ng Dios kay Noe at sa mga anak nito ang pagkain ng laman na may dugo.
(Genesis 9:3-4, ADB1905) Bawat gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibibigay ko sa inyo. (Genesis 9:4) Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.
1.2 Ipinagbawal din ng Dios sa angkan ni Israel at sa mga nakikipamayan sa kaniya ang pagkain ng dugo.
(Levitico 3:17, ADB1905) Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.
(Levitico 7:26-27, ADB1905) At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop. (Levitico 7:27) Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.
(Levitico 17:10, ADB1905) At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan
(Levitico 17:12-14, ADB1905) Kayat aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo. (Levitico 17:13) At sinomang tao sa mga anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa. (Levitico 17:14) Sapagkat tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kayat sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagkat ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.
(Levitico 19:26, ADB1905) Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong mag-eenkanto ni magpapamahiin.
(Deuteronomio 12:16, ADB1905) Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig.
(Deuteronomio 12:23-25, ADB1905) Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagkat ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman. (Deuteronomio 12:24) Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. (Deuteronomio 12:25) Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
(Deuteronomio 14:21, ADB1905) Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuangdaan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagkat ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
(Deuteronomio 15:23, ADB1905) Huwag mo lamang kakanin ang dugo niyaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig.
2. Tanong: Bakit ipinagbabawal ang pagkain ng dugo?
Sagot: 2.1 Ang pagkain ng dugo ay ipinagbabawal sapagkat ang buhay ng nilalang ay nasa dugo.
(Levitico 17:11, ADB1905) Sapagkat ang buhay ng laman ay nasa dugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagkat ang dugoy siyang tumutubos dahil sa buhay.
(Levitico 17:14, ADB1905) Sapagkat tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. Kayat sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagkat ang buhay ng boong laman ay ang kaniyang dugo: sinomang kumain niyan ay ihihiwalay.
(Deuteronomio 12:23-25, ADB1905) Lamang ay pagtibayin mong hindi mo kakanin ang dugo: sapagkat ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakanin ang buhay na kasama ng laman. (Deuteronomio 12:24) Huwag mong kakanin yaon; iyong ibubuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig. (Deuteronomio 12:25) Huwag mong kakanin yaon; upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
2.2 Ang dugo ay ibinibigay o iniaalay sa dambana upang itubos sa kasalanan ayon sa lumang tipan.
(Exodo 30:10, ADB1905) At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.
(Levitico 16:27, ADB1905) At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas, sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang laman at ang dumi.
(II Cronica 29:24, ADB1905) At mga pinatay ng mga saserdote, at silay nagsigawa ng isang handog dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga yaon sa ibabaw ng dambana, upang itubos sa buong Israel: sapagkat iniutos ng hari na ang handog na susunugin at ang handog dahil sa kasalanan ay gagawin para sa buong Israel.
3. Tanong: Ipinagbawal din ba sa mga Gentil ang pagkain ng dugo?
Sagot: Ipinagbabawal din sa mga Gentil ang pagkain ng dugo.
(Gawa 15:20, ADB1905) Kundi sumulat tayo sa kanila {mga Gentil}, na silay magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo,
(Gawa 15:29, ADB1905) Na kayoy {mga Gentil} magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayoy mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
(Gawa 21:25, ADB1905) Ngunit tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang silay magsiilag sa mga inihain sa diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.
Buod:
Unang ipinag-bawal ng Dios kay Noe at sa mga anak nito ang pagkain ng laman na may dugo (Genesis 9:3-4), at pagkatapos, ipinagbawal din ng Dios sa angkan ni Israel at sa mga nakikipamayan sa kaniya ang pagkain ng dugo at anomang laman na may dugo at kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili (Levitico 3:17; 7:26-27; 17:10, 12-14; 19:26; Deuteronomio 12:16, 23-25; 14:21; 15:23). Ito ay magiging palatuntunan ng lahing Israel sa lahat ng saling lahi.
Ipinagbabawal ang pagkain ng dugo sapagkat ang buhay ng nilalang ay nasa dugo at ating gagawin ang matuwid sa Panginoon kung hindi natin kakainin ito (Levitico 17:11,14; Deuteronomio 12:23-25). Tangi sa roon, ang dugo ay ibinibigay o iniaalay sa dambana upang itubos sa kasalanan ayon sa lumang tipan (Exodo 30:10; Levitico 16:27; II Cronica 29:24). Hindi tayo dapat kumain ng dugo, sa halip, ito ay dapat ibuhos at takpan ng lupa (Levitico 17:13) o ibuhos sa ibabaw ng lupa na parang tubig (Deuteronomio 12:16, 24; 15:23), kung ano ang higit nararapat.
Ipinagbabawal din sa mga Gentil ang pagkain ng dugo. Pinagbilinan ng mga apostol ni Jesucristo ang mga kaanib sa iglesia na lumayo sa mga bagay na inihahain sa diosdiosan, sa pakikiapid at sa mga binigti (hindi napaduguang hayop) at sa dugo (Gawa 15:20, 29; 21:25).
Kung paanong sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop ang ginagamit na alay sa kasalanan noong lumang tipan (Hebreo 13:11-12)* sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Jesucristo, ang korderong walang kapintasan at dungis (I Pedro 1:18-19)*, ay nabuhos upang mapatawad ang ating mga kasalanan ayon sa bagong tipan (Mateo 26:27-28); Marcos 14:23-24; Lucas 22:20; I Corinto 11:24-25)*. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!
*Kaugnay na mga Talata: Hebreo 13:11-12, ADB1905 - Sapagkat ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugoy dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento (Hebreo 13:12) Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan.
I Pedro 1:18-19, ADB1905 - Na inyong nalalamang kayoy tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; (I Pedro 1:19) Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid bagay ang dugo ni Cristo:
Mateo 26:27-28, ADB1905 - At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; (Mateo 26:28) Sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Marcos 14:23-24, ADB1905- At siyay dumampot ng isang saro, at nang siyay makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at dooy nagsiinom silang lahat. (Marcos 14:24) At sinabi niya sa kanila, Itoy ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.
Lucas 22:20, ADB1905 - Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.
I Corinto 11:24-25, ADB1905 - At nang siyay makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Itoy aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. (I Corinto 11:25) At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong itoy siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayoy magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.
Litrato ay kuha ni RitaE galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).