ANG IGLESIA NG DIOS KAY CRISTO JESUS



1. Tanong: Ano ang kahulugan ng 'iglesia' ayon sa banal na kasulatan

Sagot: 1.1 Ayon sa Banal na Kasulatan, ang 'iglesia' ay samahan ng mga mananampalataya na naniniwala sa Dios at Anak ng Dios.

(Gawa 12:5, ADB1905) Kaya ngat si Pedro ay iningatan sa bilanguan; datapwat ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.

(Gawa 14:27, ADB1905) At nang silay magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.

(Gawa 15:3, ADB1905) Sila nga, palibhasay inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang Fenicia at Samaria, na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at silay nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid.

(Gawa 15:4, ADB1905) At nang silay magsidating sa Jerusalem, ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila.

(Gawa 15:22, ADB1905) Nang magkagayoy minagaling ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid:

(Gawa 15:30, ADB1905) Kaya nga, nang silay mapayaon na, ay nagsilusong sa Antioquia; at nang matipon na nila ang karamihan {iglesia}, ay kanilang ibinigay ang sulat.

(I Corinto 14:23, ADB1905) Kung ang buong iglesia ngay magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika, at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya, hindi baga nila sasabihing kayoy mga ulol?

1.2 Sa ibang gamit ng salitang 'iglesia', ito ay tumutukoy sa gusali kung saan ginagawa ang pagsamba, kahalintulad ng salitang 'templo'. Walang naitalang gusaling sambahan ng mga Cristiano sa bagong tipan dahil marahil ang mga disipulo ni Cristo ay palaging nagtatago upang maiwasang mahuli at mapatay (Gawa 8:1-3; 12:1-2; I Corinto 15:9; Galacia 1:13). Sa halip, ang mga mananampalataya ay nagdadaos ng pagsamba sa Panginoon sa kanilang bahay (Roma 16:5; I Corinto 16:19; Colosas 4:15; Filemon 12).

(Gawa 8:1-3, ADB1905) At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yaoy nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol. (Gawa 8:2) At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siyay tinangisan ng di kawasa. (Gawa 8:3) Datapuwat pinuksa ni Saulo ang iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalaket mga babae, at silay ipinapasok sa bilangguan.

(Gawa 12:1-2, ADB1905) Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia. (Gawa 12:2) At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan.

(I Corinto 15:9, ADB1905) Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagkat pinagusig ko ang iglesia ng Dios.

(Galacia 1:13, ADB1905) Sapagkat inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:

(Roma 16:5, ADB1905) At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.

(I Corinto 16:19, ADB1905) Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayoy binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.

(Colosas 4:15, ADB1905) Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea, at si Nimfas, at ang iglesiang nasa kanilang bahay.

(Filemon 1-2, ADB1905) Si Pablo, na bilanggo ni Cristo Jesus, at si Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa, (Filemon 2) At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa iglesia sa iyong bahay:

Bumalik sa itaas

2. Tanong: Ano ang layunin ng Dios sa pagtatayo ng iglesia?

Sagot: Ang layunin ng Dios sa pagtatayo ng iglesia ay upang maipakilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios (Efeso 3:6, 10-11) at kapangyarihan ng Dios na walang iba kundi si Cristo (I Corinto 1:24).

(Efeso 3:6, 10-11, ADB1905) Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio, (Efeso 3:10) Upang ngayoy sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios, (Efeso 3:11) Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:

(I Corinto 1:24, ADB1905) "Ngunit sa kanila na mga tinawag maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios."

Bumalik sa itaas

3. Tanong: Mayroon bang paghahayag na may itatayong iglesia?

Sagot: Ang Panginoong Jesucristo ang nagsabi na itatayo niya ang iglesia.

(Mateo 16:18, ADB1905) At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Bumalik sa itaas

4. Tanong: May katunayan ba tayong mababasa sa banal na kasulatan na may iglesiang naitayo

Sagot: May pinag-usig na iglesia, samakatuwid mayroong naitayo.

(Gawa 8:1, ADB1905) At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At ng araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.

(Gawa 12:1, ADB1905) Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.

(1 Corinto 15:9, ADB1905) Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios.

Bumalik sa itaas

5. Tanong: Ano ang pangalan ng iglesia na pinag-usig ni Saulo [na pinanganlang Pablo - Gawa 13:9]* na nang huli ay doon siya tinawag upang maging apostol ni Cristo?

Sagot: Ayon sa patotoo ni apostol Pablo, iglesia ng Dios ang kanyang pinag-usig na kung saan ay tinawag siya upang maging apostol ni Cristo.

(I Corinto 1:1-2, ADB1905) Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid, (I Corinto 1:2) Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa mga pinapaging banal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng nagsisitawag sa bawat dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

(I Corinto 15:9, ADB1905) Ako {Pablo} nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagkat pinagusig ko ang iglesia ng Dios,

(II Corinto 1:1, ADB1905) Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa boong Acaya.

*Kaugnay na Talata: Gawa 13:9, ADB1905 - Dapuwat si Saulo, na tinatawag ding Pablo,…

Bumalik sa itaas

6. Tanong: Bakit nararapat na ating ganapin ang mga utos ng Dios sa iglesia ng Dios?

Sagot: Ang utos ng Dios ay nararapat nating ganapin sa bahay ng Dios na siyang Iglesia ng Dios sapagka’t ito ay buhay at haligi at suhay ng katotohanan.

(I Timoteo 3:15, ADB1905) Ngunit kung akoy magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

Bumalik sa itaas

7. Tanong: Ano ang buong pangalan ng iglesia na naitayo?

Sagot: Ang buong pangalan ng iglesia na naitayo ay Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus.

(I Corinto 1:2, ADB1905) Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa mga pinapaging banal kay Cristo Jesus, na tinawag na mangagbanal, na kasama ng lahat ng nagsisitawag sa bawat dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:

(I Tesalonica 2:14, ADB1905) Sapagkat kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagkat nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;

Bumalik sa itaas

8. Tanong: Bakit magkasama ang pangalan ng Dios at ni Cristo sa buong pangalan ng Iglesia?

Sagot: 8.1 Tungkol sa pangalan ng Dios

8.1.1 Ibinigay ng Dios kay Cristo Jesus una, ang mga apostol na tumupad ng salita ng Dios.

(Juan 17:2, 6, 8-9, ADB1905) Gaya ng ibinigay mo sa kaniya {Cristo} ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo {Dios} sa kaniya. (Juan 17:6) Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao {mga apostol} na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: silay iyo, at silay ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita. (Juan 17:8) Sapagkat ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin. (Juan 17:9) Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagkat silay iyo:

8.1.2 Ibinigay din ng Dios kay Cristo Jesus ang mga nagsisisampalataya sa kanya (Cristo) sa pamamagitan ng salita ng mga apostol.

(Juan 17:20, 24, ADB1905) Hindi lamang sila {mga apostol} ang idinadalangin ko, kundi sila {mga tao} rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; (Juan 17:24) Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagkat akoy iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.

8.2 Tungkol sa pangalan ni Cristo Jesus

8.2.1 Binili ni Cristo ang iglesia ng kanyang sariling dugo.

(Gawa 20:28, ADB1905) Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang boong kawan, na sa kanilay ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon {Dios} na binili niya ng kaniyang dugo.

(Hebreo 9:11-12, ADB1905) Ngunit pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng mga kamay, sa makatuwid bagay hindi sa paglalang na ito, (Hebreo 9:12) At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.

(Hebreo 13:12, ADB1905) Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan.

8.2.2 Si Cristo ang pangulo at tagapagligtas ng iglesia.

(Efeso 1:22-23, ADB1905) At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, (Efeso 1:23) Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.

(Efeso 5:23, ADB1905) Sapagkat ang lalake ang pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.

(Colosas 1:18, ADB1905) At siya {Cristo} ang ulo ng katawan, sa makatuwid bagay ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

(Mateo 28:18, ADB1905) At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

Paliwanag: Mahalagang maunawaan na ang lahat ng mayroon si Cristo (mananampalataya) ay pagaari ng Dios Ama, at ang lahat ng mayroon ang Dios Ama (mananampalataya) ay kay Cristo, na kanyang Anak (Juan 17:10)

(Juan 17:10, ADB1905) At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at akoy lumuluwalhati sa kanila.

Bumalik sa itaas

9. Tanong: Saan matatagpuan ang parirala na 'iglesia ng Dios' sa Banal na Kasulatan?

Sagot : Ang parirala na 'iglesia ng Dios' ay naisulat ng labing-dalawang (12) beses sa maraming pagsasalin ng Banal na Kasulatan, partikular sa mga sumusunod na mga talata:

(Gawa 20:28, ADB1905) "Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang boong kawan, na sa kanilay ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon {Dios} na binili niya ng kanyang sariling dugo."

(I Corinto 1:2, ADB1905) "Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, sa makatuwid bagay sa mga pinapaging banal kay Cristo Jesus, na tinawag na magagbanal na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawat dako, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kanila at ating Panginoon:"

(I Corinto 10:32, ADB1905) "Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa iglesia man ng Dios

(I Corinto 11:16, ADB1905) "Datapuwat kung tila mapagtunggali ang sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios."

(I Corinto 11:22, ADB1905) "Ano, wala baga kayong mga bahay na inyong makakainan at maiinuman? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios, at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman? Anong aking sasabihin sa inyo? Kayo bagay aking pupurihin? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri."

(I Corinto 15:9, ADB1905) "Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapat dapat na tawaging apostol, sapagkat pinagusig ko ang iglesia ng Dios."

(II Corinto 1:1, ADB1905) "Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa boong Acaya."

(Galacia 1:13, ADB1905) "Sapagkat inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:"

(I Tesalonica 2:14, ADB1905) "Sapagkat kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagkat nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;"

(II Tesalonica 1:4, ADB1905) "Ano pat kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;"

(I Timoteo 3:5, ADB1905) "(Ngunit kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbayahan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios?)"

(I Timoteo 3:15, ADB1905) "Ngunit kung akoy magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios , na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan."

Bumalik sa itaas

 

Buod:

Ayon sa Banal na Kasulatan, ang 'iglesia' ay samahan ng mga tao na tumatawag at nagsisisampalataya sa Dios (Gawa 12:5; 14:27; 15:3, 4, 22, 30; I Corinto 14:23) at Anak ng Dios.

Ang layunin ng Dios sa pagtatayo ng iglesia ay upang maipakilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios (Efeso 3:6, 10-11) at kapangyarihan ng Dios na walang iba kundi si Cristo (I Corinto 1:24).

Ang Panginoong Jesucristo ay nagpahayag na itatayo niya ang iglesia (Mateo 16:18). Ang katibayan sa pagkatayo ng iglesia ay ang ginawang pag-uusig dito (Gawa 8:1; 12:1). Ayon sa patotoo ni apostol Pablo, 'iglesia ng Dios' ang kanyang pinag-usig na kung saan ay tinawag siya upang maging apostol ni Cristo (I Corinto 1:1-2; 15:9; II Corinto 1:1).

Kailangang gawin ng tunay na Cristiano ang mga ipinag-uutos ng Dios sa bahay ng Dios na siyang iglesia ng Dios na buhay sapagkat ito ang haligi at suhay ng katotohanan (I Timoteo 3:15).

'Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus' ang buong pangalan ng iglesia na itinayo (I Corinto 1:2; I Tesalonica 2:14).

Magkasama ang pangalan ng Dios at ni Cristo sa buong pangalan ng iglesia sapagkat ibinigay ng Dios kay Cristo Jesus una, ang mga apostol na tumupad ng Kanyang (Dios) mga salita (Juan 17:2, 6, 8-9) at ang mga tao (na naging kaanib sa iglesia) na mga nagsisampalataya kay Cristo sa pamamagitan ng salita ng mga apostol (Juan 17, 20, 24). Bukod pa dito, binili ni Cristo ang iglesia ng kanyang sariling dugo (Gawa 20:28; Hebreo 9:11-12; 13:12) na siya din ang pangulo at tagapagligtas (Efeso 1:22-23; 5:23: Colosas 1:18). Bilang panghuli, mahalagang maunawaan na ang lahat ng pagaari ni Cristo (mananampalataya) ay pagaari ng Dios Ama, at ang lahat ng pagaari ng Dios Ama (mananampalataya) ay pagaari ni Cristo, ang kanyang Anak (Juan 17:10)

Ang parirala na 'iglesia ng Dios' ay naisulat ng labing-dalawang (12) beses sa maraming pagsasalin ng Banal na Kasulatan, partikular sa mga sumusunod na talata: Gawa 20:28; I Corinto 1:2; 10:32; 11:16, 22; 15:9; II Corinto 1:1; Galacia 1:13; I Tesalonica 2:14; II Tesalonica 1:4; I Timoteo 3:5; at 3:15.

Dahil dito, ang mga tagasunod ni Cristo ay kailangang maging kaanib ng iglesia na kapwa may pangalan ng Dios (ang Ama) at ni Cristo Jesus (ang Anak ng Dios). Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!

Bumalik sa itaas


Litrato ay kuha ni James Henry galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).