SI JESUS NA ANAK NG DIOS AY DIOS
Tanong: Ano-ano ang mga batayan na si Jesus na Anak ng Dios ay Dios?
Sagot: Ayon sa banal na kasulatan, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga batayan na ang Anak ng Dios na si Jesus ay Dios:
1. Ang pagkapanganak kay Jesucristo ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo at hindi sa pamamagitan ng pagsasama ni Jose at Maria bilang mag-asawa. Maraming propeta, kabilang si Isaias ang nanghula sa kanyang kapanganakan.
(Isaias 7:14, ADB1905) Kayat ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.
(Mateo 1:18, ADB1905) Ang panganganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
(Mateo 1:20-21, 23, ADB1905) Datapuwat samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagkat ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. (Mateo 1:21) At siyay manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniyay JESUS; sapagkat ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:23) Narito, ang dalagay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
(Lucas 1:26-27; 30-32, ADB1905) Nang ikaanim na buwan ngay sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngalay Nazaret, (Lucas 1:27) Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngalay Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. (Lucas 1:30) At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. (Lucas 1:31) At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. (Lucas 1:32) Siyay magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniyay ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
2. Sa maraming pagkakataon, si Cristo ay pinahintulutang sambahin ng pagsambang nauukol sa isang Dios.
2.1 Sinamba ang sanggol na si Jesus ng mga pantas.
(Mateo 2:11, ADB1905) At nagsipasok sila (mga pantas) sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.
2.2 Sinamba si Cristo na lalaking ketongin
(Mateo 8:2, ADB1905) At narito, lumapit sa kaniya ang isang ketongin, at siyay sinamba, na nagsasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring malinis mo ako.
2.3 Sinamba si Cristo ng mga apostol, at hindi niya sila sinansala na gawin ito.
(Mateo 14:33, ADB1905) At ang mga nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
2.4 Sinamba si Cristo ng babaing Cananea
(Mateo 15:25, ADB1905) Datapuwat lumapit siya at siyay sinamba niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo ako.
2.5 Sinamba si Cristo ng lalaking bulag na nakakita.
(Juan 9:38, ADB1905) At sinabi niya, Panginoon, sumasampalataya ako. At siyay sinamba niya
2.6 Ang Amang Dios ay nagutos na sambahin si Jesucristo ng lahat ng kanyang mga anghel.
(Hebreo 1:6, ADB1905) At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios
(Mateo 4:10-11, ADB1905) Nang magkagayoy sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satamas: sapagka’t nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.(Mateo 4:11) Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siyay pinaglingkuran.
(Marcos 1:13, ADB1905) At siyay nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas; at kasama siya ng mga ganid; at pinaglingkuran siya ng mga anghel.
3. Si Jesus ay binigyan ng pangalan na lalo sa lahat ng pangalan, upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod ng nangasa langit at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa.
(Filipos 2:9-10, ADB1905) Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siyay binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; (Filipos 2:10) Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
Nasusulat: "Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin lahi ng mga napopoot sa akin." (Exodo 20:3-5, ADB1905)
Paliwanag: May kapahintulutan ang Dios Ama na sambahin si Cristo ayon sa sulat ni Pablo sa mga taga Filipos (Filipos 2:9-10). Ang pagbabawal ng Dios na “Huwag kang magkakaroon ng ibang dios sa harap ko” na isinulat ni Moises sa Exodo ay tumutukoy sa mga dios-diosan at hindi kasama dito ang kaniyang Anak. Malinaw kung gayon na kapag ang kanyang Anak ang luluhuran o sasambahin ay hindi siya maninibugho, sapagkat siya ang nag-utos nito, ang pagsamba ng mga anghel sa kanyang Anak (Hebreo 1:6).
4. Ang Verbo na pangalang ikinapit kay Cristo ay literal na mababasang "Dios".
(Juan 1:1, ADB1905) Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. {Apocalipsis.19:13}*
*Kaugnay na Talata: Apocalipsis 19:13, ADB1905 - . . . . at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
5. Si Jesucristo ay Anak ng Dios
5.1 May mga pahayag ang mga apostol at ibang mananampalataya na si Jesucristo ay Anak ng Dios
(Mateo 14:33, ADB1905) At ang mga {disipulo} nasa daong ay nagsisamba sa kaniya, na nangagsasabi, Tunay na ikaw ang Anak ng Dios.
(Marcos 1:1, ADB1905) Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios.
(Juan 1:34, ADB1905) At aking {Juan Bautista} nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.
(Juan 11:27, ADB1905) Sinabi niya {Marta} sa kaniya, Oo, Panginoon: sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid bagay ang naparirito sa sanglibutan.
(Mateo 16:16, ADB1905) At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.
(Gawa 8:37, ADB1905) At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Dios.
(Gawa 9:20, ADB1905) At pagdakay kaniyang {Saulo/Pablo-Gawa 13:9} itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.
(Roma 1:4, ADB1905) Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng {mula sa} mga patay, sa makatuwid bagay si Jesucristo na Panginoon natin,
(II Corinto 1:19, ADB1905) Sapagkat ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si Silvano at si Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo.
(Galacia 2:20, ADB1905) Akoy napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na itoy sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
(Hebreo 4:14, ADB1905) Yaman ngang tayoy mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.
(I Juan 4:15, ADB1905) Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siyay sa Dios.
(I Juan 5:5, ADB1905) At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?
5.2 Si Jesucristo mismo ay nagpahayag na siya ay Anak ng Dios.
(Mateo 26:63-64, ADB1905) Datapuwat hindi umimik si Jesus. At sinabi ng dakilang saserdote sa kaniya, Kitay pinapanunumpa alangalang sa Dios na buhay, na sabihin mo sa amin kung ikaw nga ang Cristo, ang Anak ng Dios. (Mateo 26:64) At sinabi sa kaniya ni Jesus, Ikaw ang nagsabi: gayon may sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay inyong makikita ang Anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at pumaparitong nasa mga alapaap ng langit.
(Lucas 22:70, ADB1905) At sinabi nilang lahat, Kung gayoy ikaw baga ang Anak ng Dios? At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagsasabi na ako nga.
5.3 Ipinahayag ng Dios Ama na si Jesucristo ay kaniyang Anak; at siya ang kanyang Ama.
(I Cronica 17:13, ADB1905) Akoy magiging kaniyang ama, at siyay magiging aking anak: at hindi ko na aalisin ang aking kaawaan sa kaniya, gaya ng aking pagkakuha roon sa nauna sa iyo:
(Awit 2:7, ADB1905) Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. (Hebreo 1:15)
(Mateo 3:17, ADB1905) At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.
(Mateo 17:5, ADB1905) Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan. (Marcos 9:7, Lucas 9:35; 2 Pedro 1:17)
(Hebreo 5:5, ADB1905) Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi, Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:
Paliwanag: Kung ang (Makapangyarihang) Ama ay Dios at si Cristo ay Anak ng Dios, samakatuwid, si Cristo din ay Dios.
6. Nananahan kay Cristo ang kapuspusan ng pagka-Dios.
(Colosas 2:9, ADB1905) Sapagkat sa kaniyay nananahan ang boong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,
Paliwanag: Kapag sinabing “nananahan ang boong kapuspusan ng pagka Dios”, ang ibig sabihin nito ay nananatili ang pagka Dios kahit si Cristo ay nagkatawang tao (Juan 1:14).
(Juan 1:14, ADB1905) At nagkatawang-tao ang Vebo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan
7. Kung yaong mga dinatnan ng salita ng Dios ay tinatawag na mga dios, nararapat nating tanggapin na si Cristo bilang Anak ng Dios ay Dios.
(Juan 10:33-36, ADB1905) Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagkat ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios. (Juan 10:34) Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, kayo'y mga dios? [Awit 82:6]* (Juan 10:35) Kung tinatawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), (Juan 10:36) Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagkat sinasabi ko, Ako ang Anak ng Dios?
*Kaugnay na Talata: Awit 82:6 - Aking sinabi, Kayo’y mga dios. At kayong lahat ay anak ng Kataastaasan.
8. Maging si Tomas na isa sa mga apostol ni Jesucristo ay nagsabi na siya ay kanyang Panginoon at Dios.
(Juan 20:28, ADB1905) Sumagot si Tomas, at sa kaniyay sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
9. Si Cristo ay nasa anyong Dios.
(Filipos 2:6-8, ADB1905) Na siya, bagamat nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, (Filipos 2:7) Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: (Filipos 2:8) At palibhasay nasumpungan sa anyong tao, siyay nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
Paliwanag: Si Cristo ay hindi nakipantay sa kanyang Amang Dios upang matupad ang dahilan ng kanyang pagparito na mamatay sa krus para sa ikapapatawad ng ating mga kasalanan. Sapagkat kung taglay ni Cristo ang katangian bilang Dios, hindi siya mamamatay upang matubos ang ating mga kasalanan. Nasumpungan sa anyong tao upang direktang makapagturo sa tao bilang tagapagsalita ng Dios sa huling araw. Ang tao sa kalikasan ay hindi nararapat sambahin ngunit si Cristo, bilang anak ng Dios, bagaman at nag-anyong tao ay dapat sambahin.
10. Si Cristo ay may sinag ng kaluwalhatian at tunay na larawan ng pagka-Dios.
(Hebreo 1:3, ADB1905) Palibhasay siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
(Colosas. 1:15, ADB1905) Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
(Colosas 2:9, ADB1905) Sapagkat sa kaniyay nananahan ang boong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,
11. Ayon sa Dios Ama, ang kanyang Anak ay Dios.
(Awit 45:6, ADB1905) Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian.
(Hebreo 1:8, ADB1905) Ngunit tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailanman; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
Buod:
Ang pagkapanganak kay Jesucristo ay ayon sa hula ng mga propeta, kabilang si Isaias (Isaias 7:14). Ang pagdadalang-tao kay Cristo ay sa pamamagitan ng Espiritu Santo at hindi sa pamamagitan ng pagsasama ni Jose at Maria bilang mag-asawa (Mateo 1:18, 20-21, 23; Lucas 1:26-27; 30-32).
Sa maraming pagkakataon, si Cristo ay pinahintulutang sambahin ng pagsambang nauukol sa isang Dios. Sinamba ng mga pantas ang sanggol na si Jesus (Mateo 2:11), sinamba si Cristo ng lalaking ketongin (Mateo 8:2), sinamba si Cristo ng mga apostol (Mateo 14:33), sinamba si Cristo ng babaing Cananea (Mateo 15:25), sinamba si Cristo ng lalaking bulag na nakakita (Juan 9:38) at sinamba si Jesucristo ng lahat ng anghel, ayon sa utos ng Dios (Hebreo 1:6; Mateo 4:10-11; Marcos 1:13).
Si Jesus ay binigyan ng pangalan na lalo sa lahat ng pangalan, upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod ng nangasa langit at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa (Filipos 2:9-10). Ang "Verbo" (o "Salita") na pangalang ikinapit kay Cristo ay literal na mababasang "Dios" (Juan 1:1).
Si Jesucristo ay kinilala ng mga apostol at ibang pang mananampalataya bilang Anak ng Dios (Mateo 14:33; Marcos 1:1; Juan 1:34; 11:27; Gawa 8:37; 9:20; Roma 1:4; II Corinto 1:19; Galacia 2:20; Hebreo 4:14; I Juan 4:15; 5:5). Si Jesucristo mismo ay nagpahayag na siya ay Anak ng Dios (Mateo 26:63-64; Lucas 22:70). Tangi sa roon, ipinahayag ng Dios Ama na si Jesucristo ay kaniyang Anak at siya ang kanyang Ama (I Cronica 17:13; Awit 2:7; Mateo 3:17; 17:5; Marcos 9:7; Lucas 9:35; Hebreo 1:5; Hebreo 5:5; II Pedro 1:17).
Nananahan kay Cristo ang kapuspusan ng pagka Dios (Colosas 2:9). Ang ibig sabihin, nananatili ang pagka Dios ni Cristo kahit siya ay nagkatawang-tao (Juan 1:14).
Kung yaong mga dinatnan ng salita ng Dios ay tinatawag na mga dios, nararapat nating tanggapin na si Cristo bilang Anak ng Dios ay Dios (Juan 10:33-26).
Maging si Tomas na isa sa mga apostol ni Cristo ay nagsasabi na siya ay kanyang Panginoon at Dios (Juan 20:28).
Si Cristo ay nasa anyong Dios (Filipos 2:6-8) at may sinag ng kaluwalhatian at tunay na larawan ng pagka-Dios (Hebreo 1:3) na siya ang larawan ng Dios na di nakikita (Colosas 1:15). Ito ay patunay na ang kalikasan ng Anak ng Dios ay katulad din ng Dios Ama.
Bilang panghuli, inihayag ng Dios Ama na si Cristo na kanyang Anak ay Dios ( Awit 45:6, Hebreo 1:8). Hindi natin maaaring tanggihan na si Cristo, bilang Anak ng Dios ay Dios. Gayunman, siya ay nararapat na pumaritong nasa laman (Juan 1:14) upang mamatay para tubusin ang ating mga kasalanan.
Kung ang mga anghel na mataas ang uri kung ihahalintulad sa tao ay sumamba sa Anak ng Dios, at sa maraming pagkakataon, si Jesus ay sinamba ng mga tao at gayon din ng mga apostol, nararapat din nating gawin ito.
Ayon sa mga talatang nabanggit, at kung tunay na nasa atin ang Espiritu ng Dios, nararapat nating paniwalaan na si Jesus na Anak ng Dios ay Dios. Ito ay mahalagang malaman at Ang Tunay na Kahulugan ayon sa Banal na Kasulatan!
Litrato ay kuha ni dakzxz galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).