ANG ANAK AY KASAMA NA NG AMA BAGO NAGKATAWANG-TAO




T1. Sapagka’t ipinanganak ng Ama ang Anak, ang ibig bang sabihin ay nagkaroon ng sariling buhay na buhat sa Ama ang Anak?

S. Pinagkalooban ng sariling buhay ang Anak.

“Sapagka't kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili.” (Jn. 5:26) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T2. Nang pasimula, nasaan ang Anak?

S. Sumasa Dios (kasama ng Dios)

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Jn. 1:1) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T3. Nang dumating ang takdang panahon, ano ang ginawa ng Ama sa Anak para sa kaligtasan ng mga tao?

S. Sinugo sa sanglibutan.

“At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan.” (I Jn. 4:14) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T4. Pinatotohanan ba ng Anak na siya ay galing sa Ama na nasa langit nang isugo siya sa lupa?

S. Pinatotohanan ng Anak.

“…Sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios;...” (Jn. 8:42) (ADB1905)

“Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.” (Jn. 6:38) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T5. Ano pa ang patotoo ng Anak na siya ay kasama ng Ama mula nang kaniyang pasimula?

S. Kaluwalhatian na kanyang tinamo, bago ang sanglibutan.

“At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.” (Jn. 17:5) (ADB1905)

“Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.” (Jn. 17:24) (ADB1905)

Bumalik sa itaas


Litrato ay kuha ni Reimund Bertrams galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).