ANG PANANAMPALATAYA
TALAHANAYAN NG NILALAMAN
T2. May kaugnayan ba ang pananampalataya sa kaligtasan ng tao?
T3. Kung walang pananampalataya, magiging kalugodlugod ba ang tao sa Dios?
T4. May patotoo ba ang Kasulatan na hindi nalulugod ang Dios sa mga taong walang pananampalataya?
T5. Sino ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya? Tayo ba sa ating sarili?
T6. Bago dumating ang pananampalataya, nasa ilalim ng anong giya ang unang bayan ng Dios?
T8. Umiiral pa ba ang kautusan ni Moises sa ilalim ng pamamahala ng Panginoong Jesus?
T9. Ang ibig bang sabihin nito ay walang kautusan ang pananampalataya?
T10. Ano, kung gayon, ang gawa na nasa ilalim ng kautusan ng pananampalataya?
T11. Ano ang kasama ng pananampalataya na dapat manatili sa puso ng lingkod ng Dios?
T12. Paano ba pumapasok sa puso ng tao ang pananampalataya?
T13. May isa lamang bang uri ng pananampalataya?
T14. Kailan sinasabi na ang pananampalataya ay patay?
T15. Makapagliligtas ba ang pananampalatayang walang gawa?
T18. Sa pananampalataya, ano ang ginawa ni Moises upang magtamo ng di kumukupas na kaligayahan?
T19. Sa pananampalataya, ano ang nararapat nating gawin upang magmanang kasama ni Cristo?
T1. Ano ang pananampalataya?
S. “Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.” (Heb. 11:1) (ADB1905)
(a) Kapanatagan sa mga bagay na hinihintay.
Ang pananampalataya ay higit kaysa paniniwala. Ang salitang ‘pananalig’ ay siyang halos kasing kahulugan ng pananampalataya. Ang isang tao ay nananalig sa kanya na pinagsasaligan niya ng tiwala. Tulad ng isang anak sa kanyang ama. Dahil sa pananalig ng anak, ang anomang pangako ng kanyang ama, panatag at walang pagaalinlangan na hinihintay ang kaganapan niyaon, sapagka’t may pananalig.
Ang pananalig ay tao sa tao. Ngunit ang pananampalataya ay tao sa Dios. Karapatdapat sa pananampalataya ang Dios dahil sa kanyang pagiging Makapangyarihan sa lahat. Kapanatagan sa paghihintay ang nararapat lumagum sa katauhan ng sumasampalataya sa Dios, sa lahat ng mga bagay na kanyang sinalita at ipinangako, “Sapagka’t walang salitang mula sa Dios na di may kapangyarihan.” (Luc. 1:37) (ADB1905)
(b) Katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.
Ang sumasampalataya sa Dios na di nakikita ay may katunayan sa kanyang buhay. Napatutunayan niya sa kanyang pamumuhay ang pagsunod sa mga salita ng Dios. Sapagka’t ang di nakikitang mga mabubuting bagay ng Dios ay ipinakikita ng may pananampalataya, sa pamamagitan ng mga paggawa o pagsunod sa mga iniuutos ng Dios na di nakikita. Samakatuwid ang mga gawa ng pananampalataya ay siyang katunayan na may Dios na di nakikita, na tumatahan sa tao, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na kanyang kapangyarihang inilalakip sa tao.
T2. May kaugnayan ba ang pananampalataya sa kaligtasan ng tao?
S. Mayroon, sa pamamagitan ng pananampalataya magtatamo ng kaligtasan ang tao.
“8 Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; 9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” (Efe. 2:8-9) (ADB1905)
T3. Kung walang pananampalataya, magiging kalugodlugod ba ang tao sa Dios?
S. Hindi magiging kalugodlugod sa Dios.
“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.” (Heb. 11:6) (ADB1905)
T4. May patotoo ba ang Kasulatan na hindi nalulugod ang Dios sa mga taong walang pananampalataya?
S. Ang unang bayan ay nabali (hindi naging kalugodlugod sa Dios) dahil sa kawalan ng pananampalataya.
“20 Mabuti; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila, at sa iyong pananampalataya'y nakatayo ka. Huwag kang magpalalo kundi matakot ka: 21 Sapagka't kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.” (Roma 11:20-21) (ADB1905)
Pansinin na, ang talatang sanga na tinutukoy dito ay ang Israel (Roma 11:1) At ang olibong ligaw na isinanib ay ang Gentil. (Roma 11:13, 24)
T5. Sino ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya? Tayo ba sa ating sarili?
S. Ang Panginoong Jesus ang gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya.
“Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios.” (Heb. 12:2) (ADB1905)
T6. Bago dumating ang pananampalataya, nasa ilalim ng anong giya ang unang bayan ng Dios?
S. Nasa ilalim ng kautusan ng Dios na ibinigay kay Moises.
“Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.” (Gal. 3:23) (ADB1905)
T7. Ano kung gayon, ang naging bahagi ng kautusan sa bayan ng Dios, nang bago mapasa ilalim ito ng Panginoong Jesus?
S. Tagapagturo hanggang maihatid kay Cristo.
“Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.” (Gal. 3:24) (ADB1905)
T8. Umiiral pa ba ang kautusan ni Moises sa ilalim ng pamamahala ng Panginoong Jesus?
S. Hindi na. Ang pananampalataya na ang umiiral.
“Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.” (Gal. 3:25) (ADB1905)
T9. Ang ibig bang sabihin nito ay walang kautusan ang pananampalataya?
S. Mayroong kautusan ang pananampalataya.
“27 Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. 28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.” (Roma 3:27-28) (ADB1905)
Pansinin, na hiwalay sa mga gawa ng kautusan na ibinigay ni Moises ang tinutukoy dito; na ang kahalili ay ang kautusan ng pananampalataya.
T10. Ano, kung gayon, ang gawa na nasa ilalim ng kautusan ng pananampalataya?
S. Gawa sa pamamagitan ng pag-ibig.
“Sapagka't kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.” (Gal. 5:6) (ADB1905)
T11. Ano ang kasama ng pananampalataya na dapat manatili sa puso ng lingkod ng Dios?
S. Kasama ng pananampalataya ay ang pagasa at pagibig.
“Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.” (I Cor. 13:13) (ADB1905)
T12. Paano ba pumapasok sa puso ng tao ang pananampalataya?
S. Sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ni Cristo.
“Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.” (Roma 10:17) (ADB1905)
T13. May isa lamang bang uri ng pananampalataya?
S. Maraming uri ng pananampalataya. (a) pananampalatayang gaya ng kay Abraham, (b) Pananampalatayang ginawa ng Panginoong Jesus, (k) Pananampalatayang gaya ng sa diablo.
A. Pananampalatayang gaya ng kay Abraham.
1) Ang kay Abraham ay pananampalatayang sumusunod ayon sa salita ng Dios.
“Sinabi nga ng Panginoon kay Abram, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamaganak, at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo ko sa iyo: At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa. Kaya't yumaon si Abram, ayon sa sinalita sa kaniya ng Panginoon...” (Gen. 12:1-4) (ADB1905)
2) Pananampalatayang may sakripisyo.
“1 At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, “Abraham.” At sinabi niya, “Narito ako. 2 At kaniyang sinabi, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.” (Gen. 22:1-2) (ADB1905)
“9 At sila'y dumating sa dakong sa kaniya'y sinabi ng Dios; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kaniyang anak at inilagay sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy. 10 At iniunat ni Abraham ang kaniyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kaniyang anak. 11 At tinawag siya ng anghel ng Panginoon mula sa langit, at kaniyang sinabi, Narito ako. 12 At sa kaniya’y sinabi,Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak.” (Gen. 22: 9-12) (ADB1905)
B. Pananampalatayang ginawa ng Panginoong Jesus.
“2 Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios. 3 Sapagka't dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili, upang kayo'y huwag magsihina, na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa.” (Heb. 12:2-3) (ADB1905)
1) Nagmasunurin hanggang kamatayan.
“At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.” (Fil. 2:8) (ADB1905)
2) Sa mga araw ng kanyang laman: siya’y dininig dahil sa banal na takot.
“7 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot. 8 Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis.” (Heb. 5:7-8) (ADB1905)
K. Pananampalatayang gaya ng sa diablo.
“19 Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig. 20 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?” (Sant. 2:19-20) (ADB1905)
T14. Kailan sinasabi na ang pananampalataya ay patay?
S. Kung ang pananampalataya ay walang gawa.
“Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.” (Sant. 2:17) (ADB1905)
T15. Makapagliligtas ba ang pananampalatayang walang gawa?
S. Hindi makapagliligtas ang pananampalatayang walang gawa.
“Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?” (Sant. 2:14) (ADB1905)
T16. Pagkatapos tanggapin at sampalatayanan ang evangelio (mabuting balita ng kaligtasan), ano ang kasunod na dapat gawin upang maligtas?
S. Kinakailangang magbautismo sa tubig, gaya ng iniwang halimbawa ng Cristo.
a) Hindi pumayag ang Panginoong Jesus na hindi siya bautismuhan sa tubig ni Juan Bautista.
“14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin? 15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya. 16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya.” (Mat. 3:14-16) (ADB1905)
b) Utos ng Cristo na bautismuhan ang sumampalataya, upang maligtas.
“15 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. 16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” (Mar. 16:15-16) (ADB1905)
T17. Sa pananampalataya, ano ang ginawa ni Noe nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na di nakikita?
S. Naghanda ng isang daong sa ikaliligtas. Samakatuwid ay gumawa ayon sa utos.
“7 Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan...” (Heb. 11:7) (ADB1905)
T18. Sa pananampalataya, ano ang ginawa ni Moises upang magtamo ng di kumukupas na kaligayahan?
S. Isinakripisyo ang pagiging prinsipe sa Egipto alang-alang sa bayan ng Dios.
“24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon; 25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala; 26 Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran.” (Heb. 11:24-26)
T19. Sa pananampalataya, ano ang nararapat nating gawin upang magmanang kasama ni Cristo?
S. a) Magtiis din naman alang-alang sa kanya.
“Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya.” (Fil. 1:29) (ADB1905)
b) Yamang naging anak tayo ng Dios.
“16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios: 17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.” (Roma 8:16-17) (ADB1905)
k) Di katumbas ng pagtitiis ng kaluwalhatiang mahahayag.
“Sapagka't napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin.” (Roma 8:18) (ADB1905)
Litrato ay kuha ni reenablack galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).