ANG HAPUNAN NG PANGINOON
TALAHANAYAN NG NILALAMAN:
T1. Ano ba ang Hapunan ng Panginoon?
T2. Iniutos ba ng Panginoong Jesus ang pagalaalang ito sa kanya sa buong iglesia?
T3. Gaano ba kahalaga ang kamatayan ng Anak ng Dios sa mga taong sumasampalataya sa kanya?
T4. Gaano kahalaga at kabisa ang dugo ng Cristo?
T5. Paano siya inihayag sa mga huling panahong ito?
T7. May partikular bang mga tao na kinauukulan ng sakripisyo ng Anak ng Dios?
T11. Ano ba ang pascua ng mga Judio?
T14. Hanggang kailan gaganapin ng Iglesia ng Dios ang pagalaala ng pagkamatay ng Panginoong Jesus?
T1. Ano ba ang Hapunan ng Panginoon?
S. Ang Hapunan ng Panginoon ay isang seremonya sa pagalaala sa katawan ng Anak ng Dios na napako sa krus, at pagalaala sa kanyang dugo (na siyang bagong tipan) na nabuhos dahil sa kasalanan ng sanglibutan.
“19 At siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. 20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.” (Luc. 22:19-20) (ADB1905)
T2. Iniutos ba ng Panginoong Jesus ang pagalaalang ito sa kanya sa buong iglesia?
S. Utos sa buong iglesia.
“23 Sapagka't tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; 24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. 25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.” (I Cor. 11:23-25) (ADB1905)
T3. Gaano ba kahalaga ang kamatayan ng Anak ng Dios sa mga taong sumasampalataya sa kanya?
S. Ang kanyang kamatayan ang siyang nagligtas sa galit ng Dios, sa mga sumasampalataya at tumatalima sa kanya.
“8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. 9 Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. 10 Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay.” (Roma 5:8-10) (ADB1905)
T4. Gaano kahalaga at kabisa ang dugo ng Cristo?
S. Dugo ng bugtong na Anak ng Dios na nakilala bago itinatag ang sanglibutan.
“18 Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; 19 Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo: 20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.” (I Ped. 1:18-20) (ADB1905)
T5. Paano siya inihayag sa mga huling panahong ito?
S. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, o pagaanyong lamang salarin.
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Jn. 1:1) (ADB1905)
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin...” (Jn. 1:14) (ADB1905)
“Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.” (Roma 8:3) (ADB1905)
T6. May pagpapahayag ba ang Biblia na hindi likas na tao kundi may unang kalagayan ang Cristo, na ang katawa’t dugo ay ipinangtubos sa kasalanan ng mga tao na sumasampalataya, nagsisi at nagbautismo?
S. May pagpapahayag, gaya ng sinasabi sa Hebrew 5:7-9.
“7 Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot, 8 Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; 9 At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya.” (Heb. 5:7-9) (ADB1905)
T7. May partikular bang mga tao na kinauukulan ng sakripisyo ng Anak ng Dios?
S. Mayroon, ang nangasa Iglesia ng Dios.
“...gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya; Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita, 27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.” (Efe. 5:25-27) (ADB1905)
“ ... Iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.” (I Tim. 3:15) (ADB1905)
T8. Kung sa pamamagitan ng pagganap ng Hapunan ng Panginoon ay inaalala ng Iglesia ng Dios ang pagkamatay ng kanilang Pangulo at Panginoon, ano ang isang dakila at banal na paghahayag na may kaugnayan sa kaligtasan?
S. Ipahayag si Jesus na Panginoon, at sumampalataya na siya ay binuhay na maguli ng Dios.
“9 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: 10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” (Roma 10:9-10) (ADB1905)
T9. Dahil sa napakadakilang pagkakataong ito, wala bang gampanin ang tumanggap ng kaligtasan upang mapanatili ang biyayang ito?
S. May gampanin. Ingatan ito sa pamamagitan ng pananampalatayang may kabuluhan.
“1 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan, 2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.” (I Cor. 15:1-2) (ADB1905)
T10. Sa anong pista ng mga Judio ginanap ng Panginoon ang huling Hapunan niya na kasama ang kanyang mga alagad?
S. Sa araw ng pascua ng mga Judio (Israelita).
“18 At sinabi niya, Magsipasok kayo sa bayan sa gayong tao, at sabihin ninyo sa kaniya, Sinabi ng Guro, malapit na ang aking panahon; sa iyong bahay magpapaskua ako pati ng aking mga alagad. 19 At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinagutos sa kanila ni Jesus; at inihanda nila ang kordero ng paskua.” (Mat. 26:18-19) (ADB1905)
T11. Ano ba ang pascua ng mga Judio?
S. Ang pascua ng mga Judio ay ang pagalaala sa pagliligtas sa kanila ng Dios sa pagkaalipin sa Egipto, upang malayang makapanambahan sa kanya na Dios na Makapangyarihan sa lahat.
“1 Magdidiwang ka sa buwan ng Abib, at ipangingilin ang paskua sa Panginoon mong Dios: sapagka't sa buwan ng Abib inilabas ka ng Panginoon mong Dios sa Egipto sa gabi. 2 At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.” (Deut. 16:1-2) (ADB1905)
T12. Kung ang kordero ng pascua ng mga Judio ay tunay na tupa, sino ang kordero ng pascua ng Iglesia ng Dios?
S. Si Cristo ang kordero ng pascua ng Iglesia ng Dios.
“Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo'y maging bagong limpak, na tulad sa kayo'y walang lebadura. Sapagka't ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga'y si Cristo.” (I Cor. 5:7) (ADB1905)
T13. Minsan isang taon ay naghahandog ang dakilang Saserdote ng isang kordero para sa kanyang sarili at para sa buong bayang Israel (Heb. 9:7) ilang ulit inihandog ng Panginoong Jesus ang kanyang sarili, bilang dakilang Saserdote at kordero?
S. Minsan magpakailan man inihandog ang kanyang sarili.
“9 Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. 10 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.” (Heb. 10:9-10) (ADB1905)
“Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.” (Heb. 10:14) (ADB1905)
T14. Hanggang kailan gaganapin ng Iglesia ng Dios ang pagalaala ng pagkamatay ng Panginoong Jesus?
S. Hanggang sa dumating siya.
“Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.” (I Cor. 11:26) (ADB1905)
Litrato ay kuha ni congerdesign galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).