ANG SANGBAHAYAN NG DIOS
TALAHANAYAN NG NILALAMAN:
T1. Mayroon bang sangbahayan ang Dios?
T2. Sa sangbahayan ng Dios, sino ang likas at sariling Anak niya?
T3. Bakit bugtong na Anak ang Panginoong Jesucristo, gayong maraming mga anak ng Dios?
T4. Paano ba naging mga anak ng Dios ang mga taong naging miyembro ng sangbahayan ng Dios?
T5. Ano ang mahalagang karapatan sa Dios na Ama ng mga taong naging mga anak ng Dios?
T9. Sino ang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa upang makapagmana tayo ng kaharian ng Dios?
T10. Gaano ang kaligayahan na matatamasa ng sangbahayan ng Dios sa kahariang mamanahin?
T1. Mayroon bang sangbahayan ang Dios?
S. May sangbahayan ang Dios, gaya ng nasusulat.
“Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo'y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan ng Dios.” (Efe. 2:19) (ADB1905)
“14 Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, 15 Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa.” (Efe. 3:14-15) (ADB1905)
T2. Sa sangbahayan ng Dios, sino ang likas at sariling Anak niya?
S. Ang sariling Anak na naganyong lamang salarin.
“Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.” (Roma 8:3) (ADB1905)
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Jn. 3:16) (ADB1905)
T3. Bakit bugtong na Anak ang Panginoong Jesucristo, gayong maraming mga anak ng Dios?
S. Sapagka’t siya lamang ang ipinanganak ng Dios.
(a) “Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon ...” (Heb. 1:5) (ADB1905)
(b) Siya lamang ang Dios na kauri ng Amang Dios.
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Jn. 1:1) (ADB1905)
“Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man ...” (Heb. 1:8) (ADB1905)
(c) Walang iba kung di sa pamamagitan niya nilalang ng Dios ang lahat ng mga bagay.
“Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.” (Jn. 1:3) (ADB1905)
“Sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan ...” (Col. 1:16) (ADB1905)
T4. Paano ba naging mga anak ng Dios ang mga taong naging miyembro ng sangbahayan ng Dios?
S. Nang tanggapin at sampalatayanan ang bugtong na Anak ng Dios.
“12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: 13 Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.” (Jn. 1:12-13) (ADB1905)
(a) Ipinanganak ng tubig at ng Espiritu.
“Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” (Jn. 3:5) (ADB1905)
T5. Ano ang mahalagang karapatan sa Dios na Ama ng mga taong naging mga anak ng Dios?
S. Kasamang tagapagmana ni Cristo sa Dios.
“16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios: 17 At kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya.” (Roma 8:16-17) (ADB1905)
T6. Ano ang mamanahin ng mga anak ng Dios na nasa kanyang sangbahayan na ang pangala’y Iglesia ng Dios?
S. Ang kaharian ng Dios.
“4 Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis; 5 Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo.” (2 Tes. 1:4-5) (ADB1905)
T7. Ano ang garantiya na napasulat sa Biblia na ang sangbahayan ng Dios ay tunay na tagapagmana ng kaharian ng Dios?
S. Ngayon pa lamang ay nasa langit na ang pagkamamamayan ng mga miyembro ng Iglesia ng Dios, na pinapaging banal kay Cristo Jesus.
“Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo.” (Fil. 3:20) (ADB1905)
T8. Ang katawan bang ito na nagkakasakit, nadadalamhati at namamatay ang magmamana ng kaharian ng Dios?
S. Hindi ang kasalukuyang katawang ito.
“Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.” (I Cor. 15:50) (ADB1905)
T9. Sino ang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa upang makapagmana tayo ng kaharian ng Dios?
S. Ang ating Panginoong Jesucristo.
“Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.” (Fil. 3:21) (ADB1905)
T10. Gaano ang kaligayahan na matatamasa ng sangbahayan ng Dios sa kahariang mamanahin?
S. Walang hanggang kaligayahan sa piling ng Dios.
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.” (Apo. 21:3-4) (ADB1905)
Litrato ay kuha ni Free-Photos galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).