ANG PAGKABUHAY NA MAGULI




T1. Ano ang pagkabuhay na maguli?

S. Ang pagkabuhay na maguli ay ang paglabas mula sa libingan ng mga patay na muling binuhay sa kapangyarihan ng Dios Ama na na kay Cristo Jesus.

“28 Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, 29 At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.” (Jn. 5:28-29) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T2. Sabay ba ang isang pagkakataon ang pagkabuhay na maguli ng lahat ng mga patay?

S. May una at ikalawang pagkabuhay na maguli, na isang libong taon ang pagitan.

“5 Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. 6 Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.” (Apo. 20:5-6) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T3. Sino ang magsasagawa ng pagbuhay na maguli sa mga patay?

S. Ang Dios Ama, sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, na siyang pagkabuhay na maguli at kapangyarihan at karunungan ng Dios (I Cor. 1:24)

“At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.” (I Cor. 6:14) (ADB1905)

 “Oo, kamiy nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay:” (2 Cor. 1:9) (ADB1905)

“Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.” (2 Cor. 4:14) (ADB1905)

“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.” (Jn. 5:25) (ADB1905)

“Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat nakakakita sa Anak, at sa kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.” (Jn. 6:40) (ADB1905)

“Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya’y magdala sa akin; at siyay aking ibabangon sa huling araw.” (Jn. 6:44) (ADB1905)

“Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya’y aking ibabangon sa huling araw.” (Jn. 6:54) (ADB1905)

“31 Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga; na ito'y pinatunayan niya sa lahat ng mga tao, nang siya'y buhayin niyang maguli sa mga patay. 32 At nang kanilang marinig ang tungkol sa pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa't sinabi ng mga iba, Pakikinggan ka naming muli tungkol dito.” (Gawa 17:31-32) (ADB1905)

“Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?” (I Cor. 15:12) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T4. May naganap na bang pagbuhay na maguli?

S. May naganap na. Si Jesus, na binuhay na maguli ng Dios.

“Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat.” (Gawa 2:32) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T5. Ano ang banal na mensahe ng pagbuhay ng Dios sa kanyang Anak mula sa mga patay?

S. Nagpapatotoo na may pagkabuhay na maguli.

“12 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay? 13 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo: 14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.” (I Cor. 15:12-14) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T6. Ano ang makakamit ng sumasampalataya at nagpapahayag na si Cristo ay muling binuhay na maguli ng Dios?

S. Maliligtas.

“9 Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: 10 Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.” (Roma 10:9-10) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T7. Kailan magaganap ang unang pagkabuhay na maguli?

S. Sa muling pagparito ng Panginoong Jesus.

“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli.” (I Tes. 4:16) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T8. Ano ang mangyayari sa mga unang binuhay na maguli at sa mga aabutang buhay ng mga banal?

S. Sasalubungin nila ang Panginoon sa hangin.

“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” (I Tes. 4:17) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T9. Saan makakasama ng Panginoon ang mga unang binuhay na maguli at ang mga inabutang buhay na nangagsisunod sa kanya?

S. (a) Sa paghahari sa loob ng isang libong taon.

“Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.” (Apo. 20:6) (ADB1905)

(b) Sa paghatol sa sanglibutang ito

“At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.” (Apo. 20:4) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T10. Ano ang kagilagilalas na mangyayari sa panahon ng isang libong taon?

S. Siya na Verbo ay tatanghaling Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon.

“At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.” (Apo. 19:13) (ADB1905)

“At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.” (Apo. 19:16) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T11. Pagkatapos ng isang libong taon ng paghahari ng Panginoong Jesus, ano ang kanyang gagawin sa kaharian?

S. Kanyang ibibigay sa Ama ang kaharian, pagkatapos na maganap ang paghatol mula sa maputing luklukan.

“24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. 25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. 26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.” (I Cor. 15:24-26) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T12. Bakit kailangang gawin ito ng Panginoon; ang ibigay sa Ama ang kaharian?

S. Upang ang Dios ang maging lahat sa lahat.

“27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. 28 At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.” (I Cor: 15:27-28) (ADB1905)

Bumalik sa itaas


Litrato ay kuha ni Jörg Peter galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).