Maigsing Kasaysayan ng Biblia



Ang Salita ng Dios

Ang Biblia ay ang aklat na sa pamamagitan nito ay ipinahayag ng Dios ang kanyang kalooban sa tao, at sa pamamagitan nito ay inilahad sa sangkatauhan ang mga daan ng buhay at kamatayan.

Ang Biblia ay sing-ganap ng lahat ng pinapaging gayon ng Dios, at sa makatuwid ay walang kamalian. Ito’y nagtataglay sa kanyang sarili ng patotoo ng kanyang pag-aangkin ng pagka-makalangit, na hindi matitinag ng pinakamatinding ulos ng mga di sumasampalataya (infidel).

Ang Biblia ay naglalaman ng anim-napu’t anim na mga aklat o pampleta na pinagsama-sama sa isang aklat. Ang salitang Biblia ay kinuha sa salitang Griego na “ta Biblia” na nangangahulugang ang aklat, o ang aklat ng mga aklat. Ito ang sinasabi na “Ang Aklat,” sapagka’t pinakamataas ang uri sa lahat ng mga aklat. Ngunit ang paggamit ng salitang Biblia sa anim na pu’t anim na aklat, ay mababakas sa nakaraang limang daang taon ng ating kasalukuyang panahon, ang salitang ‘escritura’, bago pa sa panahong ito, ay inaaplika sa mga ito na maingat na naipreserbang mga Banal na Kasulatan.


Ang Mga Sumulat ng Biblia

May di kukulangin sa tatlumpo’t anim na nagkakaibang manunulat, na nagsisulat sa tatlong kontinente at mga bansa, sa haba ng panahong labing limang daang taon. Sa mga sumulat na ito ay nangasa bawat kalagayan ng pamumuhay, na dahil dito’y tumatalakay sa lahat ng karanasan ng tao. Ito ay sinulat sa dalawang wika, Hebreo at Griego, maliban na ilang talata ng Matandang Testamento na isinulat sa Caldeo. Ang mga ito ay ang Ezra 5:8; 6:12; 7:12-26, at talatang 28, isang talata sa Jeremias 10 at ang nalalabi sa Matandang Testamento ay sinulat sa Hebreo.


Mga Matandang Kasulatan

Sa kasalukuyang panahon, lahat ng matatandang kasulatan ng orihinal na mga dokumento, ng Matandang Testamento (Matandang Tipan) na ngayon ay umiiral ay nangakatala sa nilutong putik na sulatan na nakalagak sa museum ng ‘antiquities’. Nang ikalabing-siyam at ika dalawampung daang taon, maraming nakamamanghang tuklas na nahukay na siyang nagpapatibay sa kasaysayan ng Biblia na naisagawa. Ang putik na sulatan ay natuklasan sa iba’t ibang panahon na ang kapansin-pansing pinakamahalaga ay ang nahukay noong 1845 mula sa matagal nang pagkakabaon sa mga guho ng matandang lunsod ng Nineveh, na kung saan minsan ay pinakamalaking aklatan sa daigdig.

Sa mga matandang kasulatan ng Bagong Testamentong (Bagong Tipan) Griego na sa kasalukuyan ay umiiral na sa kalagayang mabuti ang pagkapapanatili. Isa sa mga ito ay nasumpungan sa Alejandria, Egipto noon pang 1628. Ito ay kinopya mula sa unang manuskrito, sa petsang A.D. 350, na ngayong ay nasa British Museum. Ang isang ito tulad ng mga natuklasan sa iba’t ibang agwat ng panahon, ay nakagugulat na nagkakaisa at sumasangayon sa lahat ng iba pang manuskrito na ngayon ay umiiral, na ipinakikita kung paanong ang Dios sa kanyang walang hanggang karunungan at sa mahiwagang paraan ay nagbabantay at pinanatili ang Kanyang paghahayag sa sangkatauhan.


Orihinal na mga Sulat at mga Salin

Ang Matandang Tipan ay unang isinulat sa wikang Hebreo sa mahabang balumbon ng papyrus (papel), na pagkatapos ay isinalin sa mga ibang wika. Ang Septuahino ay ang pinakamatandang bersyon (salin), na nangangahulugan sa kanyang pangalan na sinalin “ng pitumpo.”. Ito ay binubuo mula sa orihinal na mga rekord sa Alejandria para sa aklatang Alejandria, ng magkakasamang pitumpong maalam ng mga Judio, sirka 285 B.C. ang utos sa pagsasalin na ito ay ayon sa mapagtitiwalaang patotoo na ibinigay ni Alejandrong Dakila, kasunod ng kanyang pagdalaw sa Jerusalem 332 B.C., na sa panahong yaon siya ay naging pamilyar na sa propesiya ni Daniel 8:21, na nauukol sa kanyang sarili, tungkol sa kanyang karera at kapalaran, na lubhang tiyak na naganap sa kanyang buhay, kamatayan at paghahati ng kanyang kaharian pagkamatay niya. Ito ay binabanggit ni Josephus sa kanyang aklat 11, kabanatang 8.


Ang Biblia sa Matandang Panahon

Bago ang sining ng imprenta ay natuklasan bilang natural na bunga, ang mga ‘escritura’ (kasulatan) ay lubhang napakamahal, dahil sa limitadong sirkulasyon, ngunit kakaunting mga tao ay nagkaroon ng pagkakataon na basahin ang mga iyon para sa kanilang sarili, at kung gayon, ay maliit lamang ang kanilang nalaman sa mga nilalaman. Dahil dito, ang kanilang liwanag at nakapagliligtas na katotohanan ay hindi hayag at ang kamalian at kadiliman ng mga paniniwala sa pamahiin ng mapangaraping isip ng tao ay laganap sa daigdig.

Nangangailangan ng maraming pagsusumikap at mahabang nakapapagod na mga oras ng pagsulat upang maisalin ang bagong mga sipi ng mga kasulatan; ngunit sa pamamagitan ng paggamit ng daangdaang taga kopya, libo-libo ng malalaking kabuuan ng banal na aklat, sa wakas ay nakopya at ipinagbili sa mataas na halaga.

*Elder A.N. Dugger.


Litrato ay kuha ni Pexels galing sa Pixabay.