ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ISANG BAGONG LUPA
TALAHANAYAN NG NILALAMAN:
T1. Mayroon bang bagong langit at bagong lupa na nakasulat sa Biblia?
T2. Bakit kinailangan ang isang bagong langit at bagong lupa?
T3. Kailan mapaparam ang kasalukuyang langit at lupa?
T4. May pinaunang sabi ba naman tungkol sa pagkaparam ng langit at lupa?
T8. Makakasama ba ng mga iglesia ng Dios ang Amang Dios sa langit?
T11. Makakasama din ba ng mga pinapaging banal ang Panginoong Jesus doon?
T12. Maaari bang pumasok doon ang anomang bagay o sinoman na maganda lamang sa paningin ng tao?
T1. Mayroon bang bagong langit at bagong lupa na nakasulat sa Biblia?
S. Mayroong nakasulat, ang ipinahahayag ng Apocalipsis.
“At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.” (Apo. 21:1) (ADB1905)
(a) Nang una pa ay ipinahayag na sa pamamagitan ni Propeta Isaias.
“Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.” (Isa. 65:17) (ADB1905)
T2. Bakit kinailangan ang isang bagong langit at bagong lupa?
S. Sapagka’t ang kasalukuyang langit at lupa ay mapaparam sa panahong yaon. (Apo. 21:1)
T3. Kailan mapaparam ang kasalukuyang langit at lupa?
S. Kapag itinatag ang malaking luklukang maputi upang hatulan ang mga masasama.
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.” (Apo. 20:11) (ADB1905)
T4. May pinaunang sabi ba naman tungkol sa pagkaparam ng langit at lupa?
S. May pinaunang sabi, ang isinulat ni Apostol Pedro.
“10 Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. 11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain, 12 Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?” (2 Ped. 3:10-12) (ADB1905)
T5. Sino, ayon sa pahayag ng Kasulatan, ang magsisitahan sa bagong langit at bagong lupa na kinaroroonan ng kaharian ng Dios?
S. Ang magtiis at magtapat hanggang wakas.
“Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.” (Mat. 24:13) (ADB1905)
“.... Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.” (Apo. 2:10) (ADB1905)
Ang mga karakter ng mga nagsipagtiis ay:
(a) Ang nagsisampalataya sa Ama at sa Anak
“Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.” (Jn. 14:1) (ADB1905)
(b) Ang mga pinagpala ng Ama na nagsigawa ng mabuti.
“Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.” (Mat. 25:34) (ADB1905)
(c) Ang mga mapagpakumbabang-loob.
“Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.” (Mat. 5:3) (ADB1905)
T6. Sapagka’t maraming iglesia na lumitaw sa huling panahong ito, aling iglesia ang tunay na karapatdapat sa kaharian ng Dios?
S. “4 Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis; 5 Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo.” (2 Tes. 1:4-5) (ADB1905)
T7. May garantiya ba sa mga Iglesia ng Dios na sila ay tiyak na papasok sa kaharian ng Dios sa langit?
S. May garantiya. Ngayon pa lamang ay nakarehistro na ang kanilang pagkamamamayan sa langit.
“20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo: 21 Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.” (Fil. 3:20-21) (ADB1905)
T8. Makakasama ba ng mga iglesia ng Dios ang Amang Dios sa langit?
S. Makakasama nila ang Dios.
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.” (Apo. 21:3) (ADB1905)
T9. Ano ang walang kahulilip na kaligayahan na matatamo ng mga lingkod ng Dios sa banal na dakong yaon?
S. Hindi na iiral doon ang anomang uri ng kapighatian.
“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.” (Apo. 21:4) (ADB1905)
T10. Saang partikular na dako sa bagong langit at bagong lupa mananahanan ang Iglesia (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus?
S. Sa bagong Jerusalem.
“At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.” (Apo. 21:2) (ADB1905)
T11. Makakasama din ba ng mga pinapaging banal ang Panginoong Jesus doon?
S. Makakasama ang Panginoong Jesus doon.
“Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan.” (Apo. 3:21) (ADB1905)
“3 At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; 4 At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo.” (Apo. 22:3-4) (ADB1905)
T12. Maaari bang pumasok doon ang anomang bagay o sinoman na maganda lamang sa paningin ng tao?
S. Anomang bagay na karumaldumal ay hindi papasok doon.
“At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.” (Apo. 21:27) (ADB1905)
Litrato ay kuha ni Meine Reise galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).