ANG KABAWALAN SA PAGKAIN NG DUGO
TALAHANAYAN NG NILALAMAN
T1. Kailan iniutos ng Dios na huwag kakain ng dugo?
T2. Ang dugo ba ay isang uri ng pagkain?
T3. Ano ang nararapat gawin sa dugo ng hayop?
T5. Sa panahon ng Panginoong JesuCristo ay pinahihintulutan na bang kumain ng dugo?
T6. Ano ang pangagatwiran ng mga kumakain ng dugo?
T7. Pagkatapos madinig ang mga bagay na ito, ano ang bilin sa atin ng Kasulatan?
T1. Kailan iniutos ng Dios na huwag kakain ng dugo?
S. Sa lumang tipan pa:
a) Sa panahon ni Noe.
“3 Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. 4 Nguni't ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.” (Gen. 9:3-4) (ADB1905)
b) Patuloy sa panahon ni Moises.
“Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.” (Lev. 3:17) (ADB1905)
“26 At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging ibon o sa hayop. 27 Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.” (Lev. 7:26-27) (ADB1905)
T2. Ang dugo ba ay isang uri ng pagkain?
S. Hindi, ang dugo ay pantubos ng kasalan at hindi pagkain.
“Sapagkat ang buhay ay nasa dugo; at aking ibibigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapakat ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay” (Lev.17:11) (ADB1905)
“ “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesia ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak.” (Gawa 20:28)(MBBTAG)
“At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.” (Heb. 9:22) (ADB1905)
Liwanag: Pansinin natin sa lumang tipan pa, ginagamit nila ang dugo ng mga hayop na pantubos ng kanilang mga kasalanan. Sa bagong tipan ay dugo ng ating Panginoong JesuCristo ang ginamit na pantubos sa ating mga kasalanan minsan at magpakailman. Kaya, maliwanag na nuon pa man hindi na ito isang uri ng kanilang pagkain.
T3. Ano ang nararapat gawin sa dugo ng hayop?
S. Ibuhos sa lupa at tabunan.
“12 Kaya't aking sinasabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo. 13 At sinomang tao sa anak ni Israel, o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila na manghuli ng hayop o ng ibon na makakain; ay ibubuhos niya ang dugo niyaon at tatabunan ng lupa.” (Lev. 17:12-13) (ADB1905)
T4. Ano ang kasasapitin ng mga Israelita at kahit ng mga dayuhan sa kanilang bayan na kumakain ng dugo?
S. Ihihiwalay sa kanyang bayan ang kumain.
“At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kanyang bayan.” (Lev 17:10) (ADB1905)
“ Sapagka't tungkol sa buhay ng lahat ng laman, ang dugo nga niyan ay gaya rin ng buhay niyan. kaya't sinabi ko sa mga anak ni Israel, Huwag kayong kakain ng dugo ng anomang laman: sapagkat ang buhay ng buong laman ay ang kaniyang dugo: sinoman kumain niyan ay ihihiwalay.” (Lev.17:14) (ADB1905) (I Samuel 14:32-34)
T5. Sa panahon ng Panginoong JesuCristo ay pinahihintulutan na bang kumain ng dugo?
S. Hindi. Kundi pinalalayuan o huwag kakain, kasamang bawal ang binigti, inihain sa diosdiosan at pakikiapid.
“Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.” (Gawa 15:20) (ADB1905)
“Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y magilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam sa inyo.” (Gawa 15:29) (ADB1905)
Pansinin: Anumang iniutos na kabawalan sa lumang tipan at binanggit ulit sa bagong tipan ay may mabigat na kaparusahan, at hindi lamang mga Israelita ang pinagbabawalang kumain ng dugo kundi pati mga Gentil (Gawa 15:20, 29).
T6. Ano ang pangagatwiran ng mga kumakain ng dugo?
S. a) Huwag daw humatol tungkol sa pagkain - Col 2:16
Sagot: Hindi talaga ang tao ang hahatol sa pagkain ng dugo kundi ang Dios.
b) Ang pumapasok daw sa bibig ay hindi daw nakakahawa - Mat 15:11
Sagot: Ang pagkain ng dugo ay nakahahawa gaya ng sinasabi sa Gawa 15:20, 29 - "Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid at sa dugo." (ADB1905)
k) Ang paliwanag naman ng iba tungkol sa dugo ay huwag daw sisiping sa kadugo o kamag-anak.
Sagot: Sa banal na kasulatan ay may tiyak na pahayag o kabawalan patungkol dito.
“22 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, sa anak ng kaniyang ama, o sa anak ng babae ng kaniyang ina. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. 23 Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa. (Deut. 27:22-23) (ADB1905)
T7. Pagkatapos madinig ang mga bagay na ito, ano ang bilin sa atin ng Kasulatan?
S. a) Maging tagatupad at huwag tagapakinig lamang
“Datapwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili (Sant. 1:22) (ADB1905)
b) Upang maligtas ang kaluluwa
“Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.” (Sant. 1:21)(ADB1905)
Litrato ay kuha ni Pezibear galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) at Magandang Balita Biblia (MBBTAG).