ANG ANGHEL
TALAHANAYAN NG NILALAMAN
T2. Nilalang din ba ng Dios ang mga anghel?
T3. Marami ba ang mga nilalang na anghel?
T4. Sila ba ay mga nilalang na tulad ng mga tao, na nangagaasawa?
T5. Kung ang tao ay nilalang mula sa alabok, mula saan naman nilalang ang mga anghel?
T6. May pamunuan din ba ang di mabilang na mga anghel sa langit?
T7. May ulat ba sa Biblia na sinugong anghel upang maghatid ng pahayag ng Dios sa tao?
T8. Ano ang kaibahan ng anghel sa tao?
T9. May sinugo ba ang Dios na kanyang anghel na nasa ningas ng apoy?
Halos 300 beses na binabanggit ng biblia ang salitang anghel. Ngunit hanggang ngayon ay marami ang nagaalinlangan sa pag-iral na ito.
T1. Ano ba talaga ang anghel?
S. Espiritung tagapaglingkod.
“Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man...” (Heb. 1:13) (ADB1905)
“Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?” (Heb. 1:14) (ADB1905)
T2. Nilalang din ba ng Dios ang mga anghel?
S. Mga nilalang na di nakikita.
“Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita.....” (Col. 1:16) (ADB1905)
T3. Marami ba ang mga nilalang na anghel?
S. Marami, di mabilang.
“At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo.” (Apoc. 5:11) (ADB1905)
“Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel.” (Heb. 12:22) (ADB1905)
T4. Sila ba ay mga nilalang na tulad ng mga tao, na nangagaasawa?
S. Hindi sila nangagaasawa.
“Sapagka't sa pagbabangon nilang muli sa mga patay, ay hindi na mangagaasawa, ni papagaasawahin pa; kundi gaya ng mga anghel sa langit.” (Mar. 12:25) (ADB1905)
T5. Kung ang tao ay nilalang mula sa alabok, mula saan naman nilalang ang mga anghel?
S. Mula sa hangin.
“…Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy.” (Heb. 1:7) (ADB1905): Basahin din ang Awit 104:4
T6. May pamunuan din ba ang di mabilang na mga anghel sa langit?
S. Mayroon. Ang kanilang pinuno ay tinatawag na arkanghel. “Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo…” (Judas 1:9) (ADB1905)
“At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon...” (Apoc. 12:7) (ADB1905)
T7. May ulat ba sa Biblia na sinugong anghel upang maghatid ng pahayag ng Dios sa tao?
S. Si Anghel Gabriel.
(a) Sinugo kay Daniel.
“15 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao. 16 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng Ulai, na tumatawag at nagsasabi, Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain. 17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.” (Dan. 8:15-17) (ADB1905)
(b) Sinugo kay Zacarias.
“18 At sinabi ni Zacarias sa anghel, Sa ano malalaman ko ito? sapagka't ako'y matanda na, at ang aking asawa ay may pataw ng maraming taon. 19 At pagsagot ng anghel ay sinabi sa kaniya, Ako'y si Gabriel, na nananayo sa harapan ng Dios; at ako'y sinugo upang makipagusap sa iyo, at magdala sa iyo nitong mabubuting balita.” (Luc. 1:18-19) (ADB1905)
(k) Sinugo kay Maria.
“26 Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret. 27 Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.” (Luc. 1:26-27) (ADB1905)
“30 At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. 31 At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.” (Luc. 1:30-31) (ADB1905)
T8. Ano ang kaibahan ng anghel sa tao?
S. Ang sumusunod ay kasama sa maraming kaibahan ng anghel sa tao.
(a) Ang tao’y ginawang mababa ng kaunti kaysa mga anghel.
“...Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin? Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel...” (Heb. 2:6-7) (ADB1905)
(b) Higit ang kapangyarihan at lakas kaysa tao.
“Samantalang ang mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.” (2 Ped. 2:11) (ADB1905)
(k) Espiritung nakapagaanyong tao.
“At nagsidating ang dalawang anghel sa Sodoma, nang nagtatakip silim; at si Lot ay nakaupo sa pintuang-bayan ng Sodoma: at sila'y nakita ni Lot, at nagtindig upang salubungin sila; at iniyukod ang mukha sa lupa;...” (Gen. 19:1) (ADB1905)
“At kanilang tinawagan si Lot, at sinabi sa kaniya, Saan nangaroon ang mga lalaking dumating sa iyo ng gabing ito? ilabas mo sila sa amin upang kilalanin namin sila.’” (Gen. 19:5) (ADB1905)
Basahin din ang Gen. 18:12; Dan. 8:15-16; Gawa 12:5-11; 27:23-25.
(d) Tagapangasiwang anghel ay ningas ng apoy.
“...Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy.” (Heb. 1:7) (ADB1905)
T9. May sinugo ba ang Dios na kanyang anghel na nasa ningas ng apoy?
S. (a) Kay Moises.
“1 Inalagaan nga ni Moises ang kawan ni Jethro na kaniyang biyanan, na saserdote sa Madian: at kaniyang pinatnubayan ang kawan sa likuran ng ilang, at napasa bundok ng Dios, sa Horeb. 2 At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok.” (Exo. 3:1-2) (ADB1905)
(b) Sa kanyang bayang Israel.
“21 Ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi. 22 Ang haliging ulap sa araw at ang haliging apoy sa gabi ay hindi humihiwalay sa harapan ng bayan.” (Exo. 13:21-22) (ADB1905)
“At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila.” (Exo. 14:19) (ADB1905)
T10. Dahil sa ang anghel ay nilalang na nagtataglay ng higit na kapangyarihan at lakas ay matuwid ba na sambahin?
S. Hindi dapat sambahin sapagka’t:
(a) Kapuwa nating alipin.
“8 At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito. 9 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.” (Apo. 22:8-9) (ADB1905)
(b) Ang sumasamba sa anghel ay kinapopootan ng Dios.
“Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang...” (Roma 1:25) (ADB1905)
“41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay. 42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta…” (Gawa 7:41-42) (ADB1905)
“...At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.” (Gawa 7:43) (ADB1905)
T11. Lahat ba ng mga anghel ay nagsipanatili sa dako na pinagtalagahan sa kanila bilang tagapaglingkod?
S. May hindi nanatili.
“At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan ...” (Judas 1:6) (ADB1905)
Litrato ay kuha ni Free-Photos galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).