ANG PAMAMAHALA NG DIOS SA KANYANG IGLESIA



TALAHANAYAN NG NILALAMAN:

T1. Kangino ba ang Iglesia?

T2. Ano ba ang iglesia?

T3. Bakit kay Cristo Jesus isinama ng Dios ang kanyang mga tinawag?

T4. Ilan ba ang iglesia na siyang katawan ng Panginoong Jesus na kaniyang pinangunguluhan?

T5. Ilan ang pananampalataya at bautismo ng iglesiang sa Dios na ang pangulo ay si Cristo Jesus?

T6. Sapagka’t ang Cristo ay Pangulo o siyang ulo ng katawan na siyang Iglesia ng Dios, ano ang pananagutan niya sa iglesia?

T7. Bilang ulo ng katawan o iglesia, nangangahulugan ba na sarili ng Cristo ito, at wala nang bahagi ng pagmamay-ari ang Dios Ama dito?

T8. Bakit hindi sariling pagaari ng Cristo ang iglesia, sa kabila na siya ang ulo nito?

T9. May patotoo ba ang Panginoong Jesus, na sa pamamagitan niya ay namamahala ang Dios Ama sa kanyang iglesia?

T10. Bilang patotoo, na ang iglesia ay pagaari ng Dios, siya ba ang nag-organisa o nagtayo nito?

T11. Sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Cristo Jesus, ang ibig bang sabihin nito ay ang Dios ang nagtayo ng Iglesia?

T12. Nanaog ba ang Dios Ama sa lupa upang itayo ang kanyang iglesia o mayroon siyang kinasangkapan upang itayo ito sa kanyang pangalan?

T13. Anong gampanin ang isinagawa ng Anak sa pagtatayo ng Dios ng kanyang iglesia?

T14. Bilang Tagapagsalita, ano ang plano ng Dios na gawin na sinalita naman ng Anak?

T15. Sino ang bato na tinutukoy na pagtatayuan ng Dios ng kanyang iglesia? Si Pedro ba?

T16. Gaano katibay ang pagpapatotoong ito ni Apostol Pedro, na si Cristo ang batong pinagtayuan ng Dios ng kanyang iglesia?

T17. Ang sabi sa Roma 6:23, ang “kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” bakit namatay ang Cristo kundi di nga siya pinanaigan ng kasalanan?

T18. Pinatutunayan ba ng Cristo, na talagang ang Ama ang kausap ni Pedro nang mga sandaling yaon?

T19. Sapagka’t ang Panginoong Jesus ang naging Pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, mayroon ba siyang iniwan na kapalit niya bilang pangulo ng iglesia?

T20. Bakit hindi nag-iwan ng isang kapalit niya sa pangungulo sa iglesia, nang siya’y umakyat sa langit?

T21. May napatala bang ulat ng pamamahala ng mga apostol sa iglesia, na walang isa sa kanila na pumalit kay Cristo na tagapamahala sa buong iglesia?

T22. Anong uring pamamahala ang itinuturo ni Apostol Pedro sa mga matanda sa iglesia?

T23. Sino ang Pangulong Pastor sa mga nangamamahalang mga matanda sa kawang nasa pangangalaga nila?

T24. Bilang Pangulo ng Iglesia ng Dios, ano ang kapangyarihan at pananagutan ng Panginoong Jesus, na hindi kayang panagutan at ibigay ng mga umaagaw sa kanyang puwesto sa iglesia?

T25. Ano ang pinaunang sabi ng Panginoong Jesus sa mga lider ng sekta Kristiyano, na lumuluklok sa kanyang trono bilang pangulo ng iglesia?

T26. Sino ang madadaya at maililigaw ng mga nagpapanggap na Cristo sa huling araw na ito?

T27. Ang mga tunay na miyembro ng Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus, paano nanindigan tungkol sa pagkakatayo nila kay Cristo Jesus?

T28. Bilang Cristo ang Anak ng Dios, anong karangalan ang higit sa lahat ang ipinagkalob ng Amang Dios sa kaniya?


T1. Kangino ba ang Iglesia?

S. Sa Dios Ama at sa kanyang Anak na si Cristo Jesus.

“Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.” (I Tes. 1:1) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T2. Ano ba ang iglesia?

S. Ang isang kalipunan ng mga tinawag ng Dios na isinama kay Cristo Jesus.

“Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.” (I Cor. 1:9) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T3. Bakit kay Cristo Jesus isinama ng Dios ang kanyang mga tinawag?

S. Upang panguluhan niya ang lahat ng mga bagay sa iglesia.

“Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,” (Efe. 1:20) (ADB1905)

“22 At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, 23 Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.” (Efe. 1:22-23) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T4. Ilan ba ang iglesia na siyang katawan ng Panginoong Jesus na kaniyang pinangunguluhan?

S. Isa lamang ang iglesia.

“May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo.” (Efe. 4:4) (ADB1905)

“At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia;…” (Col. 1:18) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T5. Ilan ang pananampalataya at bautismo ng iglesiang sa Dios na ang pangulo ay si Cristo Jesus?

S. “5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 6 Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.” (Efe. 4:5-6) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T6. Sapagka’t ang Cristo ay Pangulo o siyang ulo ng katawan na siyang Iglesia ng Dios, ano ang pananagutan niya sa iglesia?

S. Pananagutan niya na iligtas ang iglesia na siya ang Pangulo.

“Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” (Efe. 5:23) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T7. Bilang ulo ng katawan o iglesia, nangangahulugan ba na sarili ng Cristo ito, at wala nang bahagi ng pagmamay-ari ang Dios Ama dito?

S. Sariling pagaari ng Dios ang iglesia, kasama si Cristo na pangulo nito.

“13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, 14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.” (Efe. 1:13-14) (ADB1905)

Paliwanag: Ang iglesia ay sariling pagaari ng Dios sapagka’t:

(1) Ang Dios ang nagtayo ng iglesia, na kaniyang ipinanukala ang pagtatayo nito noon pang una. (Amos 9:11-12; Gawa 15:14-18; Mat. 16:18).

(2) Ang pinagtayuan ng Dios ay ang kanyang Anak, na sinimbulo ng isang batong panulok, isang batong buhay; na kaniyang pinanukala noong una pa. (1 Ped. 2:4-9; Isa. 28:16; Awit 118:22; Isa. 8:14)

(3) Ang Dios ang tumatawag sa mga tao upang isama o itayo kay Cristo. (I Cor. 1:9)

(4) Ang Dios ang naglagay ng lahat ng mga sangkap sa iglesia, mula sa mga apostol. (I Cor. 12:28). Ang Dios ang naglagay ng bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan (iglesia: Col. 1:18) ayon sa kanyang minagaling.

(5) Ang ultimong nangungulo sa iglesia, mula kay Cristo hanggang sa mga miyembrong mga lalake at mga babae. (I Cor. 11:3) ay ang Dios.

(6) At ang Dios ang siyang naglagay kay Cristo upang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia. (Efe. 1:22)

Bumalik sa itaas

T8. Bakit hindi sariling pagaari ng Cristo ang iglesia, sa kabila na siya ang ulo nito?

S. Sa mga kadahilanan ngang nabanggit sa itaas.

Bumalik sa itaas

T9. May patotoo ba ang Panginoong Jesus, na sa pamamagitan niya ay namamahala ang Dios Ama sa kanyang iglesia?

S. “37 Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy. 38 Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.” (Jn. 6:37-38) (ADB1905)

“At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.” (Jn. 6:39) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T10. Bilang patotoo, na ang iglesia ay pagaari ng Dios, siya ba ang nag-organisa o nagtayo nito?

S. Ang Dios ang nag-organisa o naglagay ng bawa’t sangkap ng katawan o iglesia.

“Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.” (I Cor. 12:18) (ADB1905)

“Ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.” (I Cor. 12:28) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T11. Sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Cristo Jesus, ang ibig bang sabihin nito ay ang Dios ang nagtayo ng Iglesia?

S. Siya nga ang nagtayo ng iglesia.

“14 Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan. 15 At dito'y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat, 16 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito'y aking itatayo: 17 Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan, 18 Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.” (Gawa 15:14-18) (ADB1905)

Pansinin na ang Panginoon na nagsasalita rito ay hindi ang Panginoong Jesus, kundi ang Panginoong Dios na Ama ng Panginoong Jesus. Sapagka’t dalawa ang Panginoon na binabanggit ng Biblia, ang isa ay nakaukol sa Ama at ang isa ay nakaukol sa Anak. (Gawa 2:34-35) At ang Panginoong nasasaad sa Gawa 15:14-18 ay ang Panginoong nakasaad sa Amos 9:11-12, na sinipi lamang ng mga apostol nang dumating na ang katuparan ng hula ng propeta Amos na itinayo na ng Panginoong Dios sa kanyang Anak ang iglesia.

Bumalik sa itaas

T12. Nanaog ba ang Dios Ama sa lupa upang itayo ang kanyang iglesia o mayroon siyang kinasangkapan upang itayo ito sa kanyang pangalan?

S. Ang kanyang Anak na si Cristo Jesus ang bumaba upang gawin ang kanyang kalooban.

“Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.” (Jn. 6:38) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T13. Anong gampanin ang isinagawa ng Anak sa pagtatayo ng Dios ng kanyang iglesia?

S. Sinalita ng Anak ang pagtatayo ng Ama ng kanyang iglesia.

“1 Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, 2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan. (Heb. 1:1-2) (ADB1905)

(a) Pinatunayan ito ng Cristo.

“Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.” (Jn. 12:49) (ADB1905)

(b) Ito ang ipina-unang sabi na sa pamamagitan ni Moises.

“18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya. 19 At mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa aking mga salita na kaniyang sasalitain sa aking pangalan, ay aking sisiyasatin yaon sa kaniya.” (Deut. 18:18-19) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T14. Bilang Tagapagsalita, ano ang plano ng Dios na gawin na sinalita naman ng Anak?

S. Ang pagtatayo ng iglesia.

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mat. 16:18) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T15. Sino ang bato na tinutukoy na pagtatayuan ng Dios ng kanyang iglesia? Si Pedro ba?

S. Hindi si Pedro. Ang Panginoong Jesus.

“4 Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga, 5 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.” (I Ped. 2:4-5) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T16. Gaano katibay ang pagpapatotoong ito ni Apostol Pedro, na si Cristo ang batong pinagtayuan ng Dios ng kanyang iglesia?

S. “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro,” ang sabi ng Ama sa pamamagitan ng bibig ng Tagapagsalita ng Ama na si Cristo.

“At sa ibabaw ng batong ito,” na ang tinutukoy ay si Cristo na kasama ni Apostol Pedro ng mga sandaling iyon.

“Ay itatayo ko ang aking iglesia.” Ang Iglesia ng Dios ang tinutukoy na itatayo na sinasalita ng kanynag Tagapagsalita na si Cristo Jesus.

Si Apostol Pedro ang saksi ng pagtatayo ng Dios ng kanyang iglesia kay Cristong bato na hindi pananaigan ng pintuan ng hades. Ang pintuan ng hades ay ang kasalanan, na kailanman ay hindi nanaig sa Anak ng Dios na si Cristo Jesus, sapagka’t hindi pinanaigan ang Cristo na anomang kasalanan. (2 Cor. 5:21)

Bumalik sa itaas

T17. Ang sabi sa Roma 6:23, ang “kabayaran ng kasalanan ay kamatayan,” bakit namatay ang Cristo kundi di nga siya pinanaigan ng kasalanan?

S. Sapagka’t dinala niya ang kasalanan ng mga tao.

“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.” (2 Cor. 5:21) (ADB1905)

“Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” (Roma 5:8) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T18. Pinatutunayan ba ng Cristo, na talagang ang Ama ang kausap ni Pedro nang mga sandaling yaon?

S. Pinatutunayan ng Cristo.

“Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.” (Mat. 16:15-17) (ADB1905)

Pansinin, na sa mga labi mismo ng Panginoong Jesus nanggaling ang patunay na ang kanyang Amang Dios na nasa langit ang naghayag kay Pedro, kung sino ang Anak ng tao. Ang banal na karunungan na natatago sa tagpong ito ay ang patuloy na pahayag ng Amang Dios kay Pedro, sa pamamagitan ng bibig ng Panginoong Jesus, na sinasabi, “Sa ibabaw ng batong ito,” na ang tinutukoy ng Amang Dios ay si Cristo, na katabi ni Pedro nang pagkakataong yaon; “Itatayo ko ang aking iglesia.”

Sa katuusan, ang Ama ang magtatayo ng kanyang iglesia sa kanyang Anak na si Cristo Jesus. Si Apostol Pedro naman ang testigo nang pagtatayo.

Bagaman, may mga sekta na ipinalit si Pedro kay Cristo bilang batong pinagtayuan ng iglesia, ay hindi nababago ang katotohanan na si Cristo Jesus ang “…batong panulok na Pangulo, hirang mahalaga, at ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.” (I Ped. 2:26) (ADB1905)

Gayundin naman, bagaman ang mga iba ay ipinalit ang Cristo sa Dios Ama, na siya raw ang nagtayo ng iglesia, ay namamalaging katotohanan ang salita ng Amang Dios na katotohanan (Jn. 17:17), na sa pamamagitan ng bibig ng propeta Amos (Amos 9:11-12), na makaitlong ulit na isinulat na ang “Panginoon” (ang Dios Ama ang tinutukoy) ang magtatayo ng tabernakulo ni David, na simbulo ng iglesia sa huling araw.

Bumalik sa itaas

T19. Sapagka’t ang Panginoong Jesus ang naging Pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, mayroon ba siyang iniwan na kapalit niya bilang pangulo ng iglesia?

S. Walang isang iniwan, kundi marami ang kaniyang isinugo upang gampanan ang kanyang misyon sa lupa: mangaral sa sanglibutan at mamahala ng iglesia.

(a) Mangaral sa buong sanglibutan.

“18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. 19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” (Mat. 28:18-19) (ADB1905)

(b) At sila’y mamamahala sa iglesia.

“Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.” (Mat. 28:20) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T20. Bakit hindi nag-iwan ng isang kapalit niya sa pangungulo sa iglesia, nang siya’y umakyat sa langit?

S. Sapagka’t may pagkasaserdote (pagkapamahala) siyang di mapapalitan.

“Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.” (Heb. 7:24) (ADB1905)

(a) Pangulo sa bahay ng Dios.

“20 Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin, sa pamamagitan ng tabing, sa makatuwid baga'y sa kaniyang laman; 21 At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios.” (Heb. 10:20-21) (ADB1905)

(b) Ang bahay ng Dios ay ang Iglesia ng Dios.

“Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.” (I Tim. 3:15) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T21. May napatala bang ulat ng pamamahala ng mga apostol sa iglesia, na walang isa sa kanila na pumalit kay Cristo na tagapamahala sa buong iglesia?

S. May napatala. Ang Kapulungan ng mga Apostol at mga Matanda sa Jerusalem.

“22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid: 23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia, ay bumabati.” (Gawa 15:22-23) (ADB1905)

(a) Naglagay ng mga Matanda sa bawa’t iglesia.

“At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.” (Gawa 14:23) (ADB1905)

(b) Naghahalal ng mga matanda sa bawa’t bayan.

“Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo.” (Tito 1:5) (ADB1905)

(k) Mga matanda na nagsisipamahalang mabuti.

“Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.” (I Tim. 5:17) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T22. Anong uring pamamahala ang itinuturo ni Apostol Pedro sa mga matanda sa iglesia?

S. “1 Sa matatanda nga sa inyo'y umaaral ako, akong matandang kasamahan ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag: 2 Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip; 3 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo'y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo'y maging mga uliran ng kawan.” (I Ped. 5:1-3) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T23. Sino ang Pangulong Pastor sa mga nangamamahalang mga matanda sa kawang nasa pangangalaga nila?

S. Ang Panginoong Jesucristo, ang Pangulong Saserdote na di mapapalitan.

“At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.” (I Ped. 5:4) (ADB1905)

“ ... Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.” (I Ped. 2:25) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T24. Bilang Pangulo ng Iglesia ng Dios, ano ang kapangyarihan at pananagutan ng Panginoong Jesus, na hindi kayang panagutan at ibigay ng mga umaagaw sa kanyang puwesto sa iglesia?

S. Ang iligtas at bigyan ng buhay na walang hanggan ang iglesia.

“Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” (Efe. 5:23) (ADB1905)

“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan.” (Jn. 5:24) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T25. Ano ang pinaunang sabi ng Panginoong Jesus sa mga lider ng sekta Kristiyano, na lumuluklok sa kanyang trono bilang pangulo ng iglesia?

S. Ililigaw ang marami.

“4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman. 5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.” (Mat. 24:4-5) (ADB1905)

Tunay na marami nang nagsilitaw sa huling araw na ito na mga nagsisiangkin sa maraming katangian ng pagiging Cristo ni Jesus. May umaangkin na siya raw ang “kahaliling Cristo” dito sa lupa. Bilang kahalili, samakatuwid ay nasa kanya – inaangkin niya – ang lahat ng katangian ng pagiging Cristo ni Jesus sa iglesia. Inaangkin pa nga nito ang kanyang pagiging “infallible,” na tanging ang Cristo lamang ang nagtataglay ng ganitong kabanal na kakanyahan. Ang iba naman ay nagaangkin na sila raw – bawa’t isa sa kanila - ay sugo ng Dios sa huling araw. Ang mga ganitong pagpapanggap, sa maliwanag na salita, ay nagdudumiing katunayan ng katuparan ng sinalita ng dakilang propeta sa huling araw na: “Marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.”

Bumalik sa itaas

T26. Sino ang madadaya at maililigaw ng mga nagpapanggap na Cristo sa huling araw na ito?

S. Ang mga binulag ng Dios ng sanglibutang ito.

“Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” (2 Cor. 4:4) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T27. Ang mga tunay na miyembro ng Iglesia ng Dios (na pinapaging banal) kay Cristo Jesus, paano nanindigan tungkol sa pagkakatayo nila kay Cristo Jesus?

S. Nangaguugat at nangatatayo kay Cristo Jesus.

“6 Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya, 7 Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.” (Col. 2:6-7) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T28. Bilang Cristo ang Anak ng Dios, anong karangalan ang higit sa lahat ang ipinagkalob ng Amang Dios sa kaniya?

S. Ipinagkaloob sa Anak ang buong paghatol.

(a) “22 Sapagka't ang Ama'y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol; 23 Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpapapuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.” (Jn. 5:22-23) (ADB1905)

(b) “9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; 10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” (Fil. 2:9-11) (ADB1905)

(c) “10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. 11 Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. 12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:10-12) (ADB1905)

“Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mat. 5:3) (ADB1905)

Tunay na mapalad ang mga mapagpakumbabang-loob, na kaligayahan sa kanila ang pagpapasakop sa pangungulo ng Cristo sa iglesia ng Dios. Hindi mapapalad kung gayon, ang mga napapasakop sa mga nagpapanggap na Cristo sa paraang sila raw ay kahalili niya sa lupa at nagpapanggap na sugo daw sa huling araw.

Bumalik sa itaas


Litrato ay kuha ni Jean Louis Tosque galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).