ANG MAGKAKAIBANG MGA DIOS NA MABABASA SA KASULATAN




T1. May magkakaiba nga bang mga Dios na nababasa sa Biblia?

S. Totoo, may magkakaibang mga Dios sa Biblia.

(1) Dios Ama

“Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.” (Tito. 1:4) (ADB1905)

(2) Ang Anak ng Dios

“8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. 9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.” (Heb. 1:8-9) (ADB1905)

(3) Mga dinatnan ng salita ng Dios

“34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? 35 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), 36 Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios.” (Jn. 10:34-36 (ADB1905); Awit 82:6)

(4) Ang dios ng sanglibutan (diablo)

“Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” (2 Cor. 4:4) (ADB1905)

(5) Mga dios-diosan

“5 Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya? 6 Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba. 7 Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.” (Isa. 46:5-7) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T2. Ano ang kanilang mga pagkakaiba?

S. (1) Ang Dios Ama

(a) Walang pasimula

“Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.” (Awit 90:2) (ADB1905)

(b) Buhat sa kanya ang lahat ng mga bagay.

“Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay....” (I Cor. 8:6) (ADB1905)

(c) Makapangyarihan sa lahat.

“At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.” (Gen. 17:1) (ADB1905)

(d) Walang kagaya.

“Sinong gaya mo, Oh Panginoon, sa mga dios? Sinong gaya mo, maluwalhati sa kabanalan, Nakasisindak sa pagpuri, na gumagawa ng mga kababalaghan”? (Exo. 15:11) (ADB1905)

“Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, Oh Panginoon; wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.” (Awit 86:8) (ADB1905)

(e) Isang ganap na Dios.

“Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.” (Isa. 45:21) (ADB1905)

(f) Hindi nababago.

“Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.” (Mal. 3:6) (ADB1905)

“Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.” (Sant. 1:17) (ADB1905)

(g) Siya lamang ang walang kamatayan.

“Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man…” ( I Tim. 1:17) (ADB1905)

“Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.” (I Tim. 6:16) (ADB1905)

(h) Dapat sambahin.

“Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” (Jn. 4:23) (ADB1905)

Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. (t. 24) (ADB1905)

(2) Ang Anak ng Dios.

(a) Dios na nagmula sa Dios.

“Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?” (Heb. 1:5) (ADB1905)

“8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. 9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.” (Heb. 1:8-9) (ADB1905)

(b) Panganay ng lahat ng nilalang, at una sa lahat ng mga bagay.

“Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; (Col. 1:15) (ADB1905)

“At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.” (Col. 1:17) (ADB1905)

(c) Nagmula at nanggaling siya sa Dios Ama.

“Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.” (Jn. 8:42) (ADB1905)

Pansinin: - Nagmula ang Cristo sa Dios nang siya ay ipanganak nang wala pang lahat ng mga bagay, sapagka’t siya ang panganay o una sa lahat ng mga bagay. Nanggaling siya sa Dios nang sinugo at manaog sa lupa at nagkatawang tao.

(d) Dios na nagkatawang tao.

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Jn 1:1) (ADB1905)

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin...” (Jn. 1:14) (ADB1905)

(e) Dios na bumaba sa langit sa anyong tao at nakita ng mga tao.

“Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.” (Jn. 6:38) (ADB1905)

“At walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman, Pinapaging-banal sa espiritu, Nakita ng mga anghel, Ipinangaral sa mga bansa, Sinampalatayanan sa sanglibutan, Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.” (I Tim. 3:16) (ADB1905)

Sa King James Version, “God was manifest in the flesh,” ang yaong nahayag sa laman.” Samakatuwid, hindi ang Amang Dios ang nahayag sa laman, kundi ang Anak na Dios, na pagkatapos na magawa ang misyon sa lupa, ay namatay, binuhay na maguli ng Amang Dios at “Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.” (Efe. 1:20)

(f) Dapat sambahin.

“At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.” (Heb. 1:6) (ADB1905)

“.... at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.” (Mat. 2:11) (ADB1905)

“9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; 10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” (Fil. 2:9-11) (ADB1905)

(3) Mga dios na tinatawag ang mga dinatnan ng salita ng Dios.

(a) Dinatnan ng salita ng Dios.

“34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? 35 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), 36 Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?” (Jn. 10:34-36) (ADB1905)

(b) Mga binigyan ng karapatang maging mga Anak ng Dios.

“12 Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: 13 Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.” (Jn. 1:12-13) (ADB1905)

(c) Bagama’t mga dios ay mamamatay na parang mga tao.

“Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.” (Awit 82:1) (ADB1905)

“6 Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. 7 Gayon ma'y mangamamatay kayong parang mga tao, at mangabubuwal na parang isa sa mga pangulo.” (Awit 82:6-7) (ADB1905)

(d) Hindi dapat sambahin

“…Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:” (Gawa 14:15) (ADB1905)

“At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.” (Gawa 14:18) (ADB1905)

(4) Ang dios ng sanglibutang ito – ang Diablo.

“Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” (2 Cor. 4:4) (ADB1905)

(a) Querubin na nasumpungan sa kalikuan.

“14 Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga. 15 Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.” (Ezek. 28:14-15) (ADB1905)

(b) Tala sa umaga.

“12 Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! 13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: 14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.” (Isa. 14:12-14) (ADB1905)

(c) Siya ang diablo at satanas.

“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” (Apoc. 12:9) (ADB1905)

(d) Hindi dapat sambahin, kundi nararapat labanan.

“Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.” (Sant. 4:7) (ADB1905)

“8 Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: 9 Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.” (I Ped. 5:8-9) (ADB1905)


(5) Mga diosdiosan na ginawa ng tao.

“41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay. 42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit...” (Gawa 7:41-42) (ADB1905)

(a) Mga diosdiosan ay walang kabuluhan.

“15 Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto, na gawa ng mga kamay ng mga tao. 16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita; mga mata ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita; 17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig; at wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig. 18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.” (Awit 135:15-18) (ADB1905)

(b) Mga diosdiosang nasa makalupang hilig ng katawan.

“Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan.” (Col. 3:5) (ADB1905)

(c) Hindi dapat sambahin.

“2 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. 4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; 6 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos. (Exo. 20:2-6) (ADB1905)

Bumalik sa itaas


Litrato ay kuha ni Steve Buissinne galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).