KUNG SINO ANG NAKAKAKILALA SA AMA AT SA ANAK




T1. Lahat ba ng tao ay nakakakilala sa Amang Dios at sa kanyang Anak na si Cristo Jesus?

S. Ang mga pinagpahayagan lamang ng Ama at ng Anak.

“Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.” (Mat. 11:27) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T2. Paano ipinakilala ng Ama ang Anak sa mga tao?

S. Sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta;

Isinulat sa mga Kasulatan.

“Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya.” (Roma 16:26) (ADB1905)

(a) At tuwirang pahayag sa mga banal.

“16 At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. 17 At sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka't hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.” (Mat. 16:16-17) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T3. Ano pa ang unawang dumating kay Apostol Pedro tungkol sa pagkakakilala sa Anak ng Dios na si Cristo Jesus?

S. Nakilala (may kalagayan- Cristong Anak ng Dios) nang una bago itinatag ang sanglibutan?

“.....sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo: 20 Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.” (I Ped. 1:19-20) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T4. Ano ang pahayag kay Apostol Juan?

S. Siya ang Verbo ng Dios na nagkatawang-tao.

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” (Jn. 1:1) (ADB1905)

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin ...” (Jn. 1:14) (ADB1905)

“At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag.” (I Jn. 1:2) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T5. Kay Apostol Pablo, ano ang pahayag?

S. Ang Anak ay nag-anyong laman.

“Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan.” (Roma 8:3) (ADB1905)

(a) Anak ng Dios.

“Ngunit tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan Oh Dios ... (Heb. 1:8) (ADB1905)

(b) Ang Dios Ama ang kanyang Dios.

“Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo... (Heb. 1:9) (ADB1905)

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Jn. 20:17) (ADB1905)

Bumalik sa itaas

T6. Sino ang Dios Ama, ayon sa pagpapakilala ng Anak?

S. Sa kanyang mga apostol ipinakilala ng Anak ang Ama, na kanilang isinulat naman sa Bagong Tipan. Samakatuwid, ang Dios Ama na mababasa sa aklat na Bagong Tipan, ay bunga ng pagpapakilala ng Anak sa kanyang mga alagad.

(a) Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat.

“Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” (Apo. 1:8) (ADB1905)

(b) Isang Dios at Ama, buhat sa kanya ang lahat ng mga bagay.

“Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya...” (I Cor. 8:6) (ADB1905)

(c) Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto.

“Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa...” (Gawa 17:24) (ADB1905)

(d) Kanyang nilalang ang lahat sa pamamagitan ng kanyang Anak.

“...at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.” (I Cor. 8:6) (ADB1905)

(e) Amang Dios, na kung kangino nagmula at nanggaling ang Anak ng Dios.

“Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.” (Jn. 8:42) (ADB1905)

(f) “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.” (I Tim. 1:17) (ADB1905)

(g) Dios Ama na Tagapagligtas sa pamamagitan ng Anak ng Dios.

“Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.” (Judas 1:25) (ADB1905)

Bumalik sa itaas


Litrato ay kuha ni Free-Photos galing sa Pixabay. Ang mga taludtod na sinipi dito ay kinopya mula sa Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905).